Chapter 1: Do You Know Elizabeth?

55 3 9
                                    

I can feel something soft hitting my body. Naalimpungatan ako dahil doon pero nanatili akong nakapikit. Pero mukhang wala yata akong balak tigilan ng bagay na iyon.

That soft thing hit my body once again. But it was harder this time. I still refused to get up.

"Cleo!"

Awtomatikong napamulat ang mga mata ko nang marinig ang sigaw na iyon. And the first thing I saw this morning was a pillow coming for my face.

Kaagad akong napapikit nang mariin at mahinang napadaing nang tuluyan itong tumama sa mukha ko. What a nice start for today.

"Ate!"

"Sorry! Ayaw mo kasing gumising," natatawang sabi ni Ate Ria.

Napailing-iling na lang ako at akmang hihiga ulit nang pumwesto siyang hahampasin ako ulit ng unan. I just sighed and got up.

"Hindi ako punching bag, Ate. Please."

She laughed. "Sorry na nga eh. Agahan mo din kasi gising mo."

Napabuntong hininga na lang ako. I greeted her good morning and she did the same before leaving my room.

Tumingin ako sa orasan at nakitang ala-sais pa lang ng umaga. Nakauwi ako ng nine kagabi at halos anim na oras lang ang tulog ko. No wonder kaya ang late kong nagising at nakalimutan ko pang mag-set ng alarm.

Today is the start of my part-time job. At siguradong mas mababawasan ang oras ng tulog ko.

I just sighed once again. Sanay naman na ako dahil gano'n naman talaga ang routine ko. My world revolves between study and work. And I got used to it.

---

Naglapag si Ate ng isang basong gatas sa lamesa at kaagad ko iyong ininom. Umupo siya sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya.

She's already wearing her uniform as a call center agent. Luckily, her shift is during day time at hindi din masyadong maaga kaya sabay kaming nakakapag-breakfast.

"Kamusta kahapon? Did you make friends?"

Saglit akong natigilan sa tanong niya. That question seems familiar like it was the second time someone asked me that.

I shrugged. "Not really. Pero may isang transferee din na lumalapit sa akin."

"Good, then. Para naman hindi ka laging loner 'di tulad doon sa dati mong school," sabi niya at nagsimula na ding kumain.

Hindi na ako umimik pa dahil totoo din naman iyon. I refused to make friends and just got contented to do things all by myself.

It's just that, I don't want to trust anyone except from my sister.

"Your job will start later, right?"

Tumango ako.

"You need to focus on your studies along with your job. Hindi ba pwedeng day-off muna sa ngayon si Lady Blue?" parang nag-aalinlangan niya pang tanong.

I shook my head. "I can still manage, Ate."

"Sabi ko na 'yan sasabihin mo eh," she said and I just shrugged. "But when things get harder, huwag mong pilitin ang sarili mo. The world won't pay your free online service, Cleo."

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon