Pagkatapos naming kumain kasama sila Sabrina at Slade, nagpaalam na din kaagad ako. They bid their goodbyes too while Zeus didn't even look at them before walking toward his car.
Nakasimangot siya buong byahe namin papuntang VegaChicken at hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Hinayaan ko na lang siya at hindi na nagtanong dahil baka matawa lang ako sa mukha niya.
When we arrived at the restaurant, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo ako papasok. He on the other hand stayed inside his car and left.
Sinundan ko na lang ng tingin iyong papalayo niyang kotse. I just wish he will go home immediately.
Nagpalit lang ako at nagsimula na sa trabaho. Dahil umuulan, hindi gaanong marami ang customers pero meron pa din naman.
I started serving orders with Annie. Habang pababa kami ng hagdan pagkatapos mag-serve sa second floor, bahagya niya akong siniko kaya napatingin ako sa kanya.
"Nakita ko 'yun ah."
I frowned. "Ang alin?"
"May naghatid sayo. Sino 'yon? Si Pogi?" tanong niya at tinaas-baba pa ang kilay. "Boyfriend mo 'yun, 'no?"
"Kaibigan ko lang siya," sabi ko at tuluyan kaming nakababa sa hagdan.
"'Di nga? Bagay kaya kayo."
I mentally sighed and refused to listen to her. May sinasabi pa si Annie pero iniwan ko na siya at kumuha ng panibagong set ng meal.
"Table 3," Eve said with a mischievous smile.
Napakunot noo naman ako. Wait, pati ba naman siya inaasar din ako kay Zeus?
Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagse-serve.
After two hours, Ate Mitchie started serving while I was assigned in the counter. Ngumiti ako sa babaeng katatapos lang mag-order at napabuntong hininga.
Tumingin ako sa labas at malakas pa din ang buhos ng ulan. Nang tumingin ako sa calendar namin, doon ko lang nakitang tatlong araw na lang at August na.
I just shrugged. Mabuti na lang at palagi akong may payong sa bag ko. Mukhang magsisimula na din kasi ang tag-ulan.
Isang oras ang nagdaan at si Kuya Jed naman ang nagbantay sa counter. Katatapos ko lang namang mag-serve sa second floor at kakababa ko lang nang tawagin ako ni Droy.
"Pwede favor?"
Tumango ako.
"Pakitapon naman ito sa labas. Papagalitan kasi ako ni Miss Dina kapag nakita niyang may basura pa dito. Hindi ko pa naman tapos hugasan iyong mga plato," sabi niya.
"Sige. Ako na magtatapon," sambit ko at kinuha iyong dalawang garbage bag na dala niya.
"Salamat talaga, Cleo," sabi niya at tumango lang ako bago ngumiti.
I placed the tray near the counter and was about to go outside when Droy called me again. Lumingon ako sa kanya at inabutan niya ako ng payong.
"Baka maulanan ka," sabi niya.
I accepted the umbrella. "Thanks."
Lumabas na ako ng restaurant at binuksan iyong payong. Walang bubong sa tapat ng trashcan kaya siguradong mauulanan ako kung wala akong payong.
Nasa gilid lang naman iyon ng VegaChicken kaya mabilis akong nakalapit sa mga trashcan. Medyo humina din ang ulan kaya mabilis ko lang naitapon iyong mga garbage bag.
I walked toward the entrance of the restaurant. Pero bago pa ako makalapit sa entrance, nakarinig ako ng malakas na busina ng truck kaya napalingon ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/249983679-288-k957029.jpg)
BINABASA MO ANG
Officially Meeting You
Teen Fiction| Lady Blue book 2 | After a few months, their online conversation came to an end. Lady Blue knew that she will soon need to face the guy who kept bugging her and forcing her to meet someone she doesn't know. But with the lack of trust brought by t...