Chapter 10: Lean On Me

18 2 1
                                    

Binitiwan na niya ang kamay ko nang inihinto niya ang kotse sa kung saan. Hindi naman ako pasmado pero medyo basa ang palad ko dahil sa higpit ng hawak niya.

Para naman kasing makakatakas pa ako. Or maybe, gusto lang niyang chumansing. Kahit kailan talaga at ang landi ng shokoy na 'to.

I flinched when someone knocked on the window beside me. Nang tignan ko kung sino, nakita ko si Zeus at nasa labas na siya.

"Baka gusto mong bumaba d'yan?" he asked from the outside.

Napabuntong hininga na lang ako at iniwan iyong bag ko sa kotse niya bago lumabas.

Napakunot noo ako kaagad nang makitang nasa tabing-dagat kami.

"Bakit tayo nandito sa tirahan mo?" sarkastik na tanong ko.

He widely smiled. "Ibabahay na kasi kita."

"As if papayag ako!"

"Sino bang may sabing hihingin ko approval mo?"

Sisipain ko pa lang sana iyong tuhod niya pero nakaatras na siya kaagad. My lips almost parted. He predicted that?

He shook his index fingers sideward. "Hindi na gagana sa akin 'ya—"

Hindi na niya natapos iyong sasabihin niya dahil sinipa ko na iyong tuhod niya. I guess he only avoided the first because he was expecting it coming only once.

He immediately touched his right knee and glared at me.

"Ano nga ulit 'yung sinasabi mo?"

"Bakit ba napakahilig mo manipa?!"

"Gusto ko eh."

"Gusto ka ba?"

Natahimik ako habang napangisi siya. Bakit ba napakabilis mag-isip ng pangbara nitong lalaking 'to?

"Don't worry, gusto naman kita kaya huwag ka nang umiyak," pang-aasar niya pa.

I frowned. "Ano?"

"Unano," he smirked. "ka."

Bago ko pa siya masipa ulit, nakatakbo na siya palayo. He laughed and even stuck his tongue out like a childish kid.

"Habulin mo ako. Bleh!"

"Lulunurin kitang shokoy ka!"

Tumakbo na din ako kasunod niya habang tumatawa pa din siya. Inalis niya iyong sapatos niya at iniwan sa buhanginan. I did the same as I continuously chase after him.

I grunted in annoyance dahil hindi ko siya mahabol. Bukod sa hindi ako sanay tumakbo, ang haba pa ng legs niya at malalaki ang hakbang niya.

Kung bakit ba kasi may mga lalaking kasing tangkad ng kapre.

"Ano? Suko ka na?" tatawa-tawa niyang tanong.

Sinamaan ko siya kaagad ng tingin habang inikot-ikutan niya pa ako.

"Nakakainis ka talaga!"

Nahagip ng kamay ko iyong laylayan ng damit niya pero nabitawan ko din. Mas tumawa siya dahil doon at dahil tumatakbo din siya nang mga oras na iyon, bigla siyang napasubsob sa buhanginan.

Humagalpak ako kaagad ng tawa. Para siyang kapre na sumemplang at may pa-smoke effect pa dala ng buhangin.

"Ano ha? Masakit?" pang-aasar ko and it's his turn to glare at me.

Pero kaagad akong tumigil nang tumayo siya at ngisian ako. Uh oh.

"Kapag ikaw nahawakan ko, pasasakitin ko 'yang katawan mo."

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon