Chapter 13: Birth And Rivalry

27 2 17
                                    

Napakunot ang noo ko nang makitang tinabi niya iyong kotse malapit sa isang seaside. He went outside and I did the same.

I roamed my eyes around as the wind started to ruffle our hair. May mga stalls ng pagkain sa paligid at medyo maraming tao. Parang katulad din ito ng seaside sa tabi ng MOA pero mas kaunti ang mga tao.

"Dagat?" I turned to him. "Shokoy ka talaga 'no?"

Natawa naman siya. "Hindi na kita papatulan. Baka mapikon ka na naman."

"Aba't-"

"Halika na!"

Sinimulan na niya akong hilahin at hinayaan ko na lang siya. May araw pa pero hindi naman masyadong mainit. Katamtaman lang at masarap din sa pakiramdam dahil may kalakasan ang hangin.

Tumigil kami malapit sa mga stalls ng pagkain at medyo natakam ako. Siguradong late na naman akong makakakain mamaya dahil late din ang uwi ko sa bahay.

"Anong gusto mo maliban sa akin?"

I glared at him. "Napaka-feeling mo talaga."

He just laughed at me and I shook my head. Hindi mawala-wala ang ngiti niya kanina pa kaya sinabi ko na lang kung anong kakainin ko. Para din hindi na siya magtanong ng katulad no'n.

Umupo kami sa tabi habang nakaharap sa dagat. Kumulimlim naman bigla kaya napatingala ako.

"Hindi naman siguro uulan, ano?" tanong niya at nagkibit-balikat lang ako.

We stayed quiet for a couple of minutes while eating. Tag-isang shawarma lang naman ang kinakain namin at sagot niya pa.

Honestly, this isn't the type of date I expected from him. Dahil may pagkamayabang siya, I expected na sa mamahaling restaurant niya ako dadalhin o kaya naman sa mga lugar na mahal ang entrance fee. Or something like in the movies.

Iyong sa cinema tapos kakain sa labas, or romantic dinner with flowers and a lot of candles. My expectation was very far from reality but it don't really matter to me.

We aren't a couple anyway and this is more like a friendly date. Wala itong pinakaiba sa biglaang pagkaladkad niya sa akin kahapon.

"Alam mo bang sa dagat ako pinanganak?"

I nodded. "Lahat naman ng shokoy sa dagat pinapanganak."

"Hindi kasi gano'n!" he said and pouted. Then he sighed. "Nasa isang yate sila Mommy noong ipinanganak niya ako. Papunta yata sila sa isang isla noon at hindi din niya kabuwanan kaya akala nila okay lang. Pero sabi nga nila, expect the unexpected."

I was hooked by his story. "Bakit? Ilang buwan ka bang nasa tiyan ng Mommy mo bago ka ipinangak?"

"Seven months."

"Premature," I whispered and he nodded.

"Dahil alam nilang hindi na aabot sa isla, hinayaan na lang nilang manganak si Mommy sa yate. Para din naman kasing mapipigilan nila ako sa paglabas." Natawa siya. "So ayun, pinanganak ako sa gitna ng dagat. Pero alam mo kung anong nangyari pagkatapos?"

I shook my head.

"Hindi daw ako gumagalaw no'ng lumabas ako. Hindi din ako umiyak. Para na daw akong patay," sabi niya habang nakangiti. "Wala din silang kasamang nurse o doctor noon kaya hindi nila alam ang gagawin. Ang malala pa, nawalan ng malay si Mommy pagkatapos at hindi pa napuputol iyong bilical cord kasi hindi nila alam kung paano putulin."

"Umbilical," I corrected.

"Iyon na din 'yon."

Natawa siya at nagkibit-balikat na lang ako.

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon