Chapter 21: Favor

12 1 1
                                    

Imbes na sa bus station sa Rutherford ako bumaba, bumaba ako sa bus station malapit sa building nila Ate. Nilakad ko na lang hanggang doon mismo at saktong nakita ko ang ilang taong papalabas na.

When I checked my wristwatch, it's already past twelve. Nagbatian naman kami noong guard. He probably remembered me because this isn't the first time I came here.

May uniform ang mga call center agent dito pero meron pa din iyong times na hindi nila iyon sinusuot. Pero halos lahat ng nakikita kong lumalabas ay hindi nakasuot ng uniform nila. Most of them are girls so I remembered that Ate Ria no longer uses her uniform too.

I just shrugged. Maybe they didn't like it.

"Cleo!"

Tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita si Ate na papalabas. Ngumiti ako kaagad atsaka kami pumunta sa malapit na park kung saan merong mga bench at lamesa.

We prayed first before eating.

Napatango-tango siya. "In Fairness, masarap 'to."

"Syempre," pagmamayabang ko. "Ako nagluto eh."

"Huwag ka nga. Ito yata 'yung unang beses na hindi sunog o maalat luto mo."

"Hindi ah! Pangatlo 'to."

She laughed. "At talagang nabilang mo pa?"

Tumango-tango ako at napailing-iling na lang siya. Natawa na lang kami at nagpatuloy sa pagkain.

Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon, pakiramdam ko may nakatingin sa amin. But I don't know why I don't feel nervous or bothered about it.

"Cleo, are you okay?"

I looked at Ate Ria and nodded. "Oo naman, Ate."

"Oo nga pala, 'di ba sabi mo pupunta ka ng mall? Para saan ba iyong mga materials na bibilhin mo?"

"For project. Iyong prof kasi namin pinapagawa kami ng model ng human brain."

"Brain? Diba parang bulate-bulate iyong itsura no'n?" tanong niya at nagkibit-balikat na lang ako. "Pero teka, magkano ba iyong gagastusin mo?"

She brought out her wallet but I shook my head.

"Huwag na, Ate. May pera pa naman ako atsaka hindi naman gaanong mahal iyong mga gagamitin ko."

"Kahit na. Ipunin mo na lang 'yang pera mo," sambit niya at natulala ako nang abutan niya ako ng limang daan.

I shook my hands sidewards. "Hindi na talaga, Ate. Mura lang—"

"Cleo, isa," she said with a threatening tone.

Napabuntong hininga na lang ako at tinanggap iyong pera. I stood up at tumabi sa kanya. Niyakap ko siya habang malawak na nakangiti.

"Thank you, Ate."

"Naku! Naglambing pa," natatawang sabi niya. "Pero sige na nga, tutal minsan ka lang naman maging sweet."

Bumitaw ako at sumimangot. "Lagi kaya akong sweet!"

"Sige, sige. Pagbigyan."

I just shrugged and roamed my eyes when I remembered something.

"Nasaan pala si Kuya Lewis? Diba magkatrabaho kayo?"

The moment I asked that, I felt that the atmosphere changed. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina para magkaharap kami.

She nodded and faked a smile. "Oo. Pero hindi kasi siya pumasok ngayon kasi may sakit siya."

Hindi pumasok? I shrugged and was about to nod when I saw Kuya Lewis. Naglalakad siya palapit sa amin habang nakangiti at kumaway pa siya nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon