Chapter 4: Found You

26 2 2
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdamang may nakatingin sa akin. I slowly opened my eyes and saw a guy sitting next to me. Nakatungkod ang isang siko niya sa lamesa and he's cupping his face while staring at me.

He smiled when he saw me awake and dimples showed beside his lips.

"Good afternoon."

Zeus...

Nanlaki kaagad ang mga mata ko at napaayos ng tayo. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil baka nananaginip lang ako.

"Totoo ako," natatawang sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked and looked around.

Nasa lecture hall pa din naman ako kung saan ko naisipang matulog since walang klase kaninang umaga dahil sa nangyari. This classroom is mostly vacant that's why I sleep here sometimes during my free time.

He stretched his arms. Siya naman ang nangalumbaba sa lamesa sa harapan namin habang nakaharap pa din sa akin.

"Binantayan ka. Ang sarap pa naman ng tulog mo. Tulo pa laway mo."

Napahawak ako kaagad sa bibig ko pero wala naman. Pinigilan kong samaan siya ng tingin habang tumawa naman siya.

I sighed and stood up. "May gagawin pa ako. Maiwan na ki—"

Natigil ako sa pagsasalita nang hawakan niya ang braso ko at hilahin ako paupo. I frowned while he sat straight.

"Aalis ka na kaagad? Akala ko marami tayong pag-uusapan," he said and I frowned even more. "Elizabeth."

"Ano bang sinasabi mo? My name is Cleo."

Pinilit kong huwag ipahalata ang kaba ko kahit na parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog.

He called me Elizabeth. That means he know. But how?

"Cleopatra is one of the queens of Egypt. Cleo for short. Tama ba?"

"Mali."

"Tsk. Umamin ka na lang kasi!"

Napaawang ang labi ko nang sigawan niya ako. How dare he?

"Sinisigawan mo ba ako?"

He sighed and politely said, "Hindi po."

"Aalis na ako."

"May pag-uusapan pa tayo, Elizabeth."

"Cleo ang pangalan ko."

"Walang nagtatanong."

"Wala akong pake!"

Natigilan siya nang tumaas ang boses ko. I was about to feel guilty because I shouted at him when he suddenly laughed.

Tumawa siya nang tumawa na kaunti na lang ay iisipin kong nababaliw na siya. Though, he looks so happy right now.

"Alam mo bang ilang buwan kong ini-imagine kung paano ka mainis?" natatawang tanong niya.

"Hindi."

"Syempre kasasabi ko pa lang ngayon."

I sighed. "At hindi ako naiinis."

"Hindi halata."

Huminga ako nang malalim. Ilang minuto ko palang siyang kasama pero napipikon na ako sa kanya.

He widely smiled and cupped his face once again. Maigi niya akong tinignan and I got conscious by the way he looks at me kaya kung saan-saan ako tumingin.

Nang hindi ko na natagalan ay tumayo na ako.

"Lady Blue."

Natigilan ako at huminga nang malalim. "Hindi 'yan ang pangalan ko."

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon