Chapter 2: Friends

26 2 0
                                    

Nasa university lawn ako ngayon at naghihintay para sa next class ko. Mamayang eleven pa kasi ang susunod kong klase at mag-isa ako ngayon dahil second class kaagad ni Anna after ng Physics class namin kanina.

Okay na din siguro 'yon para makapag-isip ako ng isasagot ko sa kanya mamaya. I'm sure she's going to ask me many questions later.

"Magsasabi ba ako ng totoo o hindi?" mahinang bulong ko.

I sighed.

Ayaw ko naman magsinungaling sa kanya. Maybe a half-truth? That's not considered as a lie anyway.

Hindi ko naman kasi pwede sabihing ako si Lady Blue. What if she won't keep it a secret? What if my identity will be known because of her? I can't let that happen.

Pero mukha namang mabait si Anna. Mahilig lang siyang kumaladkad at ang creepy ng ngisi niya pero mabait siya.

Siguro naman mapagkakatiwalaan ko siya, 'di ba?

I slightly laughed with that thought. Mapagkakatiwalaan? I don't even know how to trust. So how will I know who I can trust?

Napailing-iling na lang ako at inalis iyon sa isipan ko. I just hope she already forgot what she wants to know.

Nag-advance review na lang ako para sa next class ko. Who knows kung mahilig ng recitation at surprise quiz ang next teacher ko. Mahirap na kaya mas mabuting sigurado.

I was busy reading a book when someone approached me. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang lalaking mukhang kaedad ko lang.

"Yes?"

"May itatanong lang sana ako," sabi niya at medyo naningkit ang mga mata ko.

Don't tell me this is one of Zeus' friends? Is he gonna ask me if I know someone named Elizabeth?

Napabuntong hininga ako. "Wala akong kilalang Elizabeth at Cleo ang pangalan ko. At kahit tanungin niyo din iyong iba, siguradong wala din silang kilalang Elizabeth ang pangalan. Okay?"

Napakurap-kurap 'yung lalaking kaharap ko at parang hindi pa mahanap ang mga tamang salitang sasabihin. He might be shocked that I was able to foresee his intention.

"I-itatanong ko lang sana...kung saan iyong CR." Napakamot siya sa batok niya habang napanganga ako. "Bago lang kasi ako dito tapos hindi din ako nakapasok kahapon."

"Diretso lang tapos kanan."

He smiled. "Thank you."

Bahagya lang akong tumango at ngumiti. When he was out of my sight, napasapo na lang ako sa noo ko.

How can I let myself be embarrassed like that? Of course not every guy in this school will be looking for me.

"Ang tanga ko."

I poked my own head pero napadaing din sa huli. Another katangahan. Aish.

Tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang busy naman 'yung ibang estudyante sa mga ginagawa nila. Good. Walang nakakita.

Napabuntong hininga na lang ako at nangalumbaba sa lamesang nasa harap ko. Now I know why I felt anxious the moment I woke up this morning and still feeling anxious.

It's really about that shokoy. Ayokong malaman niya kung sino ako at mas lalong ayaw kong magkalapit kami.

He instilled great uneasiness in me. Kung pwede ko lang siyang sabunutan dahil sa ginagawa niya, ginawa ko na kahapon pa.

Bakit kasi kailangan niya pa akong makilala ng personal?

And I made a mistake when I said I'm here. Syempre hahanapin niya ako dito dahil alam niyang malapit lang ako sa kanya. Bakit ba parang hindi ko nagagamit utak ko these past few days? Or meron nga ba?

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon