Chapter 5: Pandak

27 2 1
                                    

"So you mean ayaw mong makilala ka niya ng personal?"

I nodded. "Yeah."

Kanina pa kami nag-uusap ni Anna dito sa lecture hall kung saan gaganapin ang first class namin ngayong Tuesday. She's been asking me a lot of questions about me being Lady Blue and my connection with Zeus.

"But why?"

Napabuntong hininga ako sa tanong niya at hindi kaagad nakasagot.

The reason is something I cannot really tell. Hindi ko alam or maybe hindi ako sigurado sa dahilan na naiisip ko.

I sighed once again. "I just...don't want it."

Kumunot ang noo niya at maayos akong hinarap. Buti na lang at kaunti palang kaming nandito dahil medyo napaaga kami ng dating kanina.

"Cleo..." she whispered and narrowed her eyes, "may gusto ka ba kay Zeus?"

"What? No. Hindi. Wala."

She grinned. "Ang dami namang sagot 'yan."

I frowned for a few seconds and breathed out. She's getting the wrong idea and I don't know if I did the right thing when I told her about those things. Hindi ko siya gaanong pinagkakatiwalaan pero bakit ba ako nagku-kuwento sa kanya?

"Wala akong gusto sa lalaking 'yon."

"Weh? Iyon 'yung nakikita kong dahilan eh," sabi niya at kumunot ang noo ko. "Nahihiya ka kasi gusto mo siya."

"Bakit naman ako mahihiya? At hindi ko siya gusto."

"You met each other online. Tapos idol ka pa ng pinsan niya. Gusto mo siya at iniisip mong may mga expectations siya tungkol sayo. Iyong mga expectations na iyon ang dahilan kung bakit ka nahihiya at ayaw mong makilala ka niya ng personal."

I frowned even more. "Wala akong naintindihan sa mga sinabi mo."

Tinignan niya ako na parang ako na ang pinaka-ignoranteng tao sa mundo. I replied that stare with a frown. Napasabunot na lang tuloy siya nang mahina sa buhok niya out of frustration.

"Ang hirap mo namang kausap eh."

"Ang gulo mo mag-explain," sabi ko at napanguso na lang siya.

I just chuckled and she sighed. Nagsidatingan na din ang iba naming kaklase kaya nag-iba na ng topic si Anna.

Naiintindihan naman niyang sikreto lang lahat ng nalaman niya. She said she'll keep it to herself and I hope she will do the exact thing. Hindi ako mabilis magtiwala pero sana tamang hinayaan kong malaman iyong lahat ni Anna.

After a few minutes, dumating na si Sir Ron at tumahimik na din ang lahat. He started to check the attendance while I took my laptop out of my bag so taking notes will be much easier.

Ewan ko din pero mas komportable ako kapag nagta-type ako. I don't memorize the keyboard but my fingers seem to know every position of the letters.

"Ms. Espiritu?"

Inangat ko ang kamay ko. "Present, sir."

Luckily, hindi nila sinasabi ang full name kapag attendance. Dahil kung sakali man, mas mapapadali ang paghahanap sa akin ni Zeus.

But until now, I still don't know how he managed to find out that I am Elizabeth. Hindi naman siguro siya nangalkal ng mga school files or hula-hula lang niya.

"Okay, let's start the discussion."

Right after Sir Ron said those words, someone knocked and the door swung open. Isang shokoy na malawak na nakangiti ang pumasok.

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon