Chapter 18: Mothers

14 2 1
                                    

"Yes...no...yes...no..."

I was uttering those two exact words while turning the pages in my book. Dalawang libro na ang natapos ko. Isang yes at isang no. And I'm now in my last book.

What I am doing? Well, it's about the debate. Halos tatlong linggo na lang at foundation day na ng Rutherford at GCU. And here I am, still not deciding.

"Yes?" bulong ko nang makarating ako sa huling pahina ng libro.

Natulala ako saglit. Yes? Oo? Sasali ako?

I rested my back against the chair and poked my head. Yes nga, 'di ba? Aish.

Itinabi ko iyong libro at tumingin sa papel na binigay sa akin ni Dean. Hindi ko pa din talaga alam kung bakit gusto niya akong isali. Okay, let's say that in terms of wits, I'm qualified. I'm not going to be a scholar for nothing anyway.

But why me? I mean, ang dami namang iba d'yan. And noong tinanong ko si Sabrina about doon sa team na sumali noong last debate, I found out that it was composed of the most intelligent students of Rutherford.

Nakilala ko din ang ilan sa kanila at nalaman kong kaklase pa namin ni Anna ang isa sa kanila. It was Athena, a consistent top student.

Napabuntong hininga na lang ako at sinubsob ang mukha ko sa desk. Mag-isa lang naman ako dito sa lecture hall and as usual, dito na naman ako tumatambay.

I closed my eyes while still thinking. Wala namang masama kung sasali ako. But that debate is more like a game of luck. Who gets the letter A, wins the game.

Hindi naman sure win iyon but more than a half of the chances of winning will be given to the team who got that 'A'.

Muli akong napabuntong hininga. Anong gagawin ko?

"Ang lalim naman no'n."

Kaagad akong napaayos ng tayo nang may magsalita sa tabi ko. I grasped my chest when I saw Zeus stopping himself from laughing.

"Ginulat mo ako!"

"Sorry na," natatawa niyang sabi.

I just hissed at him and took a deep breath. Akmang kukunin naman niya iyong papel na nasa desk pero inunahan ko siya at tinago na iyon sa bag ko.

He frowned. "Ano 'yon? Bakit ayaw mo ipakita?"

"Basta."

"Siguro medical report iyon 'no? Baka buntis ka. Pakita nga. Baka ako 'yung ama."

Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa iyong paa niya sa ilalim ng lamesa. Kaagad siyang dumaing pero natatawa pa din.

"Manahimik ka na nga lang."

"Pakita na kasi!"

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha iyong papel sa bag ko. I then shoved it into his face.

"Oh ayan!"

"Ang harsh," sambit niya at ngumuso.

I just calmed myself at hindi na nagsalita. Mas lalong hindi siya titigil kapag pumatol pa ako kaya mas mabuting manahimik na lang.

Nanahimik naman ako nang manahimik din siya. Binasa niya iyong papel at sumusulyap lang ako sa kanya.

He was frowning at first then smiled before turning to me.

"Sasali ka sa debate?"

I shrugged. "Hindi ko pa alam."

"At bakit naman?"

"Basta."

"Nakakadalawa na 'yang basta na 'yan ah," sambit niya at napangisi na lang ako. "Pero 'yung totoo? Sasali ka ba o hindi?"

Officially Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon