Chapter 14 Storytelling 2.0

26 1 8
                                    


Storytelling 2.0

Cleo's POV

"Hindi ka talaga titigil!" Bulyaw ko. Kanina pa kumukolo dugo ko sa lalaking to. Habang nag kwekwento ako tawa siya nang tawa. Bwesit talaga!

Nang tumigil siya bumaling sa'kin
"Grabe iba ka talaga" Iling-iling na parang di makapaniwala "Akalain mo 'yon. ikaw pa talaga ang nag-aya sa kanya"

"Eh, Ano kung inaya ko siya. Ang lakas ng tama ko sa kanya ng panahon na iyon. Hindi nga rin ako nakapaniwala na nagawa kong ayain siya" Habang nag kwekwento ako sa kanya gumagaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko.

"Bakit ikaw ang nag aya sa kanya? Dapat siya ang nag aya dahil siya ang lalaki. Dagdag mo pa parang napipilitan siya." Ano naman kung babae nag aaya? Masama bang ayain ng babae ang lalaki. "Sa kultura ng mga pilipino dapat pinapahalagahan ang mga babae. Hindi dapat sila ang nangliligaw o nag aaya sa mga kalalakihan. You know Cleo you are not that typical. You broke the society's standard" Ako ang may gusto sa kanya. Ako dapat ang gumalaw.

Wala ng Maria Clara sa ngayon panahon at Crisostomo Ibarra.

Paano nag iiba na din ang ugali ng mga tao ngayon. Hindi kagaya ng mga tao noon. Kung noon balot na balot ang katawan nila ngayon, kinukulang sa tela. Di ko nilalahat.

"Bakit napaka big deal sa lahat kapag babae ang nag first move? Bakit masama kapag babae nag aya dahil mukha kaming desperada. Ganon?" Sinasabi ko lang ang mga ugali ng mga tao ngayon. "Pero pag lalaki ang gumawa ng mga bagay na hindi dapat ang sasabihin ng mga tao okay lang dahil lalaki. Naiinis ako sa ganyang mind set ng mga tao"

"Tama nga naman dahil sa lalaki wala lang yon. Hindi kawalan sa mga kalalaki- han ang ganon bagay, natural na sa'min na gumagawa ng kagaguhan. Di kagaya ng mga babae. Dahil hindi maganda ang imahe ng mga kalalakihan sa lipunan. Pero di ko nilalahat. Meron kasing mga lalaking nag papasama sa reputasyon ng mga kalalakihan" Akalain mo iyon gumagana utak niya. Pagdasal ko kaluluwa ni Exos mamayang gabi.

Sana kunin na siya ni lord, subrang mabait na bata. Pagmabait maagang kinukuha. Hindi ng puting van.

"Gumagana din pala utak mo minsan, Exos. Eh, Bakit mo ako gustong sapakin kapag nakikita mo ako?" Takhang ika ko.

"Eh, ang ingay mo tapos ang tabas ng dila mo ang tindi!. Ayaw ko sa mga taong maingay. Ngayon palang naawa na ako sa mapapangasawa mo. Ano nalang kaya ang mangyayari kapag nalaman niyang war freak ka pala" Bakit siya maawa sa magiging asawa ko? Eh hindi naman siya. Assuming din minsan.

"Ako dapat ang maawa sa babaeng mapapangasawa mo. Dahil isa kang demonito. At sinong babaeng mag kakagusto sayo? Gusto mo ngang sapakin ako, diba?" Naalala ko nga noong pumunta kami sa headquarters nila. At iniwan ako ni Scarlett mag-isa inaasar siya namin ni Alexus tapos biglang napikon.

"At sino ang nagsabing sasaktan ko siya? Paano ko sasaktan ang babaeng mahal ko. Di ko magagawa iyon" Di ako naniniwala. Sinong inuuto niya?

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon