Chapter 10 Silent pain

32 4 3
                                    

Silent pain

Scarlett's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang music club, ngayon kasi ang meeting na sabi ni Henry. Kasama ko si Cleo pero siya naman ang wala sa sarili simula ng magkita sila ng ex niyang si kenzo

Himala nga at tahimik.

"Mauna na ako sayo. Wala ka namang club meeting, anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Pupunta muna ako sa clinic, matutulog ako don. Wala akong ibang gagawin" Tulirong anya.

"Wag mo na nga isipin ang lalaking 'yun" Kahit hindi nya sabihin alam kong masakit parin ang ginawa sa kanya ng lalaking kinahumalingan niya ng bonggang bonga!.

Matagal ko ng kilala si Cleo at alam ko na rin kung hindi matino ikot ng utak niya. Sinong hindi maninibago hindi sya yung tipong Cleo na masigla at madaldal

Kapag marupok nanaman to, sasapakin ko sya. Sa katunayan galit ako sa marupok

"Masama lang pakiramdam ko kaya pupunta ako sa clinic. Sige alis na ako, kapag tapos ka na sa club meeting mo puntahan mo nalang ako sa clinic" Pagkatapos ay umalis na siya. Magkaiba kami ng daang tinahak

Mukhang gagawin naming tambayan ang clinic.

Iba talaga nagagawa ng pag-ibig nakakabaliw. Kaya ayaw kong tamaan ng pana ni kupido masakit sa puso, kapag ikaw lang yung tinamaan hindi kasama yong taong mahal mo. Ouchhhh...!!

Nang makarating ako sa music club may nakita akong tatlong babaeng nagpapra-
ctice ng instrument. Nandito rin si Oliver at Asher. Nang makita ako ni Henry lumapit siya patungo sa kinaroroonan ko

"Nandito ka na pala Scarlett. Halika papakilala kita sa iba" Suhestiyon nya sakin. Tumango nalamang ako.

"Sila palang tatlo ang substitution sa mga instrument" Turo nya sa tatlong babae "Si Dina sya ang gumagamit ng guitara"Pakilala nya sakin sa babaeng inaayos ang guitara, nag wave s'ya ng kamay "Chantal sa bass guitar, s'ya minsan ang kapalit ni Asher o salitan. mamaya pakilala rin kita sa kanila" Tinignan ko si Chantal sya 'yun babaeng naglilista.

"Nagkita na tayo nong audition. natatandaan mo pa ba ako?" Sambit ni Chantal

"Natatandaan kita, salamat sa pag encourage sakin"

"Ako bahala sayo dito" Sabay ngiti. Napupuna ko na may pagka boyish ng kaunti pero maganda siya.

"Ito si Calla sya ang keyboardist ng banda, pero minsan lang siya suma- sama sa amin. sixteen palang kasi" pakilala sakin ni Henry sa huling babae. Saka ang bata pa nga nito pero talented na. Abala si Calla sa pag practice

Hinawakan ni Henry ang kamay ko at hinila papalapit sa pwesto ni na Oliver at Asher na nag-uusap

"Sila pala si Oliver at Asher" Binaling nilang dalawa sakin ang atensyon

"Kilala na namin si Scarlett" Paliwanag ni Oliver. Nagtaka naman ang itsura ni Herny

"Oo kilala ko na sila" Tipid kong sagot

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon