Chapter 32 Her mysterious dream.

8 2 0
                                    

Her mysterious dream.

Scarlett's POV

"Kita niyo naman. Akalain mo isang top student sa buong campus at inaakala ng lahat na anghel, iyun pala may tinatago ring katarantadohan" Insultong pahayag ng babaeng may hawak ng dos poor dos na kahoy.

Isa kami ni Cleo sa mga napagtripa nila. Kaysa sa loob ng campus mag toos inaya nilang rito raw nila gustong magkaharap kami.

Kung di kami sisipot paniguradong hindi sila titigil kakabulabog sa loob ng eskwelahan. Kung pwede ko lang ilampaso ang mga ito sa harap mismo ng mga Madre matagal ko ng ginagawa ng walang pagdadalawang isip o konsensya.

"Tignan mo. Kung sinong umasta mukha namang tinapa" Pabulong ni Cleo sa tabi ko.

Ngumisi lang ako sa kanyang nakatitig. Inumpisahan ko ng alisin ang nakasabit na bag sa likuran ko. "Ohhhhh!! Matapang palaban. Akala ko ba good girl ka Miss Guerrero?" Isinantabi ko ang hawak na bag.

"Hahahahah. Alam mo hawak sa leeg ng Papa niya, dapat maging bait-baitan. Balita ko tatakbong senator sa susunod na halalan"

"Naiinis talaga ako sa mga kagaya niyo mukhang anghel subalit nakakubli ang natatagong kademonyohan."

Ano bang nagawa ko't mamamatay sila sa kakagawa ng paraaan para hilain ako pababa?

"Ito ring si Santeliana. Halatang malandi, alam na niyang may girlfriend si Kenzo maghahabol pa, walang kahihiyan sa kapwa babae."

Nag-uumpisa ng mag iba ang mukha ni Cleo sa huling na dinig nito. "Mukhang masasapak ako ng anghel sa langit sa magagawa ko sa mga 'to" Mabigat niyang saad. "Wag kang mag-alala alam naman natin kung saan tayo babagsak. Walang anghel na sasapak sayo" Asik ko.

"E, kayo! Mukhang matitino kayo magsalita. Akalain mo nga naman nakapasok pala ang mga demonyo sa paaralan ng mga anghel. Wag kayong magmalinis pare-pareho lang tayong makasalanan. Kung umasta kayo akala mo kung sinong kagandahan!" Naghanda ang limang kababaihan sa paggulpi sa'min.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon