Chapter 33 A New Beginning.

11 2 0
                                    

A New Beginning.

Scarlett's POV

Ito na ako ngayon sa harap ng condo unit niya, nagdadalawang isip kung anong nararapat na gagawin. Ang ilap na nang pakiramdam ko simula no'ng nangyari.

Akmang kakatokin ko ang pinto ng kusa itong bumukas. Tumambad ang mukha ni Zero na matamlay, ilang segondo pa ay gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Pasok" Pinatuloy niya ako.
"Tumawag ang receptionist sa baba kaya alam kong paparating ka" Namangha ako sa loob ng unit niya. Ang simple tignan, puti at asul ang pintura ang payapa sa mata. Inaakit kang matulog.

Natigilan ako ng may gumalaw sa paanan ng paa ko. Naglalambing ang aso sa binti ko, ang amo ng ugali niya.

Ang alam ko nagagalit ang aso pag may pumasok na hindi niya kilala sa teritoryo ng amo. Pero bakit ang gaan ng pakiramdam niya sakin?

Alam ko ang ganito dahil minsan na akong hinabol ng aso.

At isa iyong unforgettable experience ng buhay ko. Halos maiwan ko na ang sapatos ko sa kakatakbo, si Cleo kasi tumakbo kaya na pa takbo na din ako.

"Shou, behave" Kausap niya rito.

"Anong pangalan niya?" Yumuko ako para magkapantay at mahawakan ang mabalahibong nilalang. Dinidilaan niya ang kamay ko. Di pa naman ako tuloyang natatakot sa mga aso pero pag tumahol sila don na ako nagdadalawang isip lumapit.

"Shou" Tumingala ako kay Zero.

"Anong pangalan?" Pag-uulit ko di ko masyado nadinig ng mabuti. Tumayo ako.

"Shou. His name is Shou" Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.

"Anong klaseng pangalan yan? Hindi ko maintindihan kung tinatawag mo ba o tinataboy" Dami ng pangalan sa mundo yun pa talaga.

"Her owner give that name to him, Shou means victory in Japanese" Tinignan niya ang asong nakahiga sa lapag. "There's a story behind his name-"

Kumulo ang tiyan ko. Putik! Hindi pa ako kumakain. Natigilan siya't na ngiti.

"I already cooked, come and eat with me. May pagkain sa mesa" Halos kagati ko sa hiya ang labi ko. Kakahiya, dito pa ako kakain. "It's too early para mag review. Kumain muna tayo" awkward akong ngumisi.

Tumango nalang ako sa kaniya, sumunod sa likuran niya patungong kusina. Dikit nang dikit sakin ang aso, ang laki-laki niya nasasagi siya ng paa ko sa subrang dikit niya.

Nakaka-trauma ang asong humabol sa'min.

"Shou this is your own food" Pinakain muna ni Zero ang aso bago ma upo.

"Salamat" Paunang saad ko.
Nakakahawa ang pagiging pormal niya. Sa isip ko ay kapag naging pelosopo ako sa harapan niya nakakapangliit ng pagkatao.

"You don't have to say thank you it's okay. Maganda nga at may kasalo akong kumain" Masiglang sabi niya.

"Masarap ka palang magluto" Puri ko sa pagkain.

Ako kasi itlog na lang sunog pa.

"Thank you" Paano hahaba ang usapan namin kung ganito siya? Ako na nga naghahanap ng topic para di lang maging awkward.

"Bakit ka pala nag transferred? Ang sabi mo dati kang nag-aaral sa DVIS" Nagiging mausisa na ako sa buhay niya wag lang maputol ang usapan.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon