Chapter 40 May sakit.

9 1 1
                                    

May sakit. (Sakit ng kahapong di na magbabalik)

Scarlett's POV

Nakaramdam ako ng braso na yumakap sakin kaya kahit na mabigat at masakit ang likod ko minulat ko ang mata. Nakita ko sa tabi ang tulog na mukha ni Step, pero mas nawala ang pansin ko ng kumirot ang sentido ko. Inalis ko ang nakadagan niyang braso sa bewang ko nang maingat. Na pa upo ako saka minasahe ang ulo.

Anak ng lintek! Kailan ba matatapos ang sakit? Malala pa ang sakit kaysa sa hangover.

Nakatulog ako ka gabi at di na hinintay ang pagdating ni Ate Emma na maghahatid ng gamot. Napapadalas ang pagsakit ng ulo ko.

Umalis na ako sa kama at naghilamos. Binuksan ko ang kurtina sa balkonahe na silaw ako sa liwanag. Hindi muna ako papasok. Na upo ako sa silya at napayuko, pumipitik talaga ang ugat sa ulo ko ramdam na ramdam ko.

Bumalik ako sa loob para maligo baka sakaling mawala. Nadinig ko ang ringtone ng cellphone ko sa study table dinampot ko at tinignan kung sino iyun. Nakarehistro ang pangalan ng babaeng maagang mambubulabog.

"Papasok ka?" Tanong niya kaagad.

"Ikaw?"

"Ayaw ko sanang pumasok, umulan kahapon" Anong konek kung umulan kahapon.

"Ano namang pake nong ulan kahapon?" Kasalanan ba ng ulap kung bakit bumagsak ang tubig?

"Wala. Gusto ko lang umabsent late na kasi ako nagising. Ikaw saan ka? Na sa school na ba? Kung di ka papasok di rin ako papasok" Pagpumasok siya na absent ako second subject palang wala na siya, kinakausap niya yung security guard. 

"Hindi ako papasok. May gagawin ako"

"Pwedeng pumunta dyan?" May gagawin nga ako tapos pupunta pa.

"Ewan ikaw bahala." Pigilan ko man o hindi may sarili siyang pag iisip.

"Anong dadahilan natin kung bakit absent tayo?" Pag umabsent ka siguradong may kapalit na matinding paliwanagan. Mamaya ko na siya kakausapin.

"Gumawa ka ng excuse letter na lumapag yung UFO ni kokey sa harap ng gate niyo di ka makalabas" Pinatay ko na ang tawag. Minura na siguro ako nun, sasabihing 'Maldita binabaan ako' sa tagal ba naming mag kasama utot pa nga niya kilala ko na.

Pinagpatuloy ko ang naudlot na pagligo. Ibababad ko sa maligamgam na tubig ang katawan, sakaling mabawasan ang masamang pakiramdam ko. Hinubad ko ang pangtulog ko't binababad ang ulo sa ilalim ng tubig, dumadausdos sa katawan ko ang banayad na tubig. Niyakap ko ang tuhod ko, at nagsimulang mag isip ng malim.

Gusto kong ulit ulitin sa isip kung paano ako makontento basta magkasama lang kami. Isa siyang malaking peraso ng buhay ko na nawala, walang makakapantay kay Shana.

Sa palagay ko sampong minuto palang ako sa loob ng may kumatok sa pinto. "Ate? Anong ginagawa mo riyan?" Bulahaw na bagong gising na boses ni Step.

"Nagluluto" Pang gagago ko. Ano bang ginagawa sa C.R. Baliban sa pag dumi, pag-ihi at pagligo, may iba pa ba?

"Bilisan mo riyan, tumatawag si Papa. Ayaw kong sagotin" Yabag ng paa niya nalang paalis ang nadinig ko palayo.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon