Chapter 55 Remind Me Of You

11 1 0
                                    

Scarlett's POV.

"You are used to sleep here, huh?" May narinig akong boses kaya dahan dahan kong minulat ang talukap ko. Hindi ko pa maayos maaninag ang mukha ng nagsalita. "How's your sleep Miss?" Nang mapagalam ko kung sino ang nakaupo sa harap ko, napaupo ako ng tuwid. Pinahid ko ang gilid ng labi ko, kung may laway.

"Anong ginawa mo rito?" Nakahalukipkip lang ang braso niya, nakasandal sa upuan.

"Am I not allow to be here?" Bakit sa tuwing magtatanong ako sa kaniya binabalik niya ang tanong sakin?

Masyado pang hilo ang utak ko kung bakit nandito ang katulad niya habang natutulog ako? "May sinabi ba akong di ka pwede rito? Ang tanong ko bakit ka nasa harap ko? Magkaiba diba." Dito nga ako natulog sa library para walang istorbo sa pag-iisa ko.

Di na nga kami nagkita ni Cleo buong araw dahil sumali raw sa tennis. Ang sinusumpa niyang babae ay siyang nakapartner niya sa ganong sport. E wala ngang kahit anong kaalaman si Cleo sa tennis tapos sasali?
Iba talaga siya, gagawin ang lahat para di makapasok. Wag lang siyang magsisisi sa desisyon niya.

"Hey. Hey. Spacing out" Pinitik ni Gazper ang daliri sa harap ko.

"Pwede ba Mister Dela Vega tumahimik ka?" Bad trip ako pag siya kumakausap sa akin. "Hindi ba may practice kayo bakit nandito ka?" Naka uniform pa nga.

"You are updated, ha? It's quite surprising. May pakialam ka parin pala sakin hangang ngayon." Ako may pakialam sa kaniya? Baka nasa panaginip pa ako ngayon.

"Binabangongot ka 'ata pare" Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pinisil niya ang pisngi ko, nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. Napatigil rin ako ng ilang segondo sa paghinga, nakaawang ang labi ko habang na sa kaniya ang tingin.

"You're not dreaming, it's real. I'll turn your dream into reality" Malakas ko siyang sinuntok sa braso.

"Aaah.." Daing niya.

"PU-TANG-INA MO...." gigil kong bigkas, iniiwasan kong lakasan ang boses ko dahil sa library kami. "Huh? Anong karapatan mong pisilin ang pisngi ko?" Habol ko ang hininga sa pagkadiin ng pagkasabi ko.

Wala pang may nagtangkang gawin yun sakin... Napahawak ako sa dibdib ko sa subrang bilis ng puso ko sa ginawa niya.

Nagulat ako sa ginawa niya.

"Wow." Tinignan niya ako ng may inis. "Anong problema sa ginawa ko? You're so brutal Miss Guerrero. Why are you doing this to me?" So kasalan ko pa? Paawa? "Like father like daughter" May binubulong pa siyang kung anong sumpa sa akin.

"Binabaling mo sa akin ang sisi kung ganon? Pwede mo namang sabihin na di ako nanaginip. Bakit mo pa kailangan pisilin ang pisngi ko?!" Napataas ang boses ko at napasilip kung may nakaririnig sa usapan namin.

Ang layo ng pwesto ko sa mga nag-aaral sa loob ng library. Karamihan ng nandito ay nag babasa ng pocket book at ayaw maistorbo.

"Just like that, are you going to hurt me? Is that right? Sadista... Ang sakit mong manuntok. Are you a boxer or what?" Nasaktan ba talaga siya o umaarteng may masakit sa kaniya? Sa suntok ko nag reklamo pero nong nakipagsuntokan siya sa mga gang di nakaramdam ng sakit ng katawan. Artista!

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon