Chapter 13 Storytelling 1.0

25 3 1
                                    

Storytelling 1.0

Cleo's POV

"Ma'am hanggang balikat po ba?" Tanong sakin ng hairdresser.

Tumango ako. Kanina ko pa sinabing hanggang balikat ang gupit, paulit-ulit si ateng.

"Bibigyan po namin kayo ng discount dahil sa mahaba ang buhok niyo. Pwede kasing gawing wig" Tipid na tango ang tugon ko. Wala ako sa mood makipagdaldalan.

Sinimulan niya nang suklayin ang buhok ko "Bakit niyo po pagupitan ang buhok niyo? Sayang pa naman ang haba na nito"

"Nahihirapan na kasi akong magsuklay, kaya pagugupitan ko nalang"

Kaya ako nandito sa salon para kahit kaunti may makita ding pagbabago si Kenzo. Sabi nga nila New haircut it means new beginning Wala may nagsabi n'yan gawagawa ko lang.

Nakakaantok, habang sinusuklay at ginugupitan ang buhok ko. Ang dami pang arte may pa blower at hair straighting pa. Bakit sa lalaki 20 minutes lang tapos na agad walang ka arte-arte?

Matagal din nang matapos mutik na akong matulog. Ang hinhin ng hairdresser.

Nang tignan ko ang mukha ko sa salamin feeling ko ibang tao ako. Naninibago pa ako sa bagong kong buhok, in fairness maganda ang kinalabasan "Bagay po sa inyo ang short hair" Wari niya sakin.

Hinarap ko siya "Bibigyan po kita ng tip" Natuwa ako sa kinalabasan ng ginawa niya. Ako nga dapat ang mag pasalamat dahil maganda ang gupit. Ngayon lang ako nag pagupit ng ganito ka iksi.

Pagkatapos pumunta ako sa ice cream parlor. Umupo ako sa bench habang kumakain. Napapatulala nalang ako sa mga dumadaan.

Biglang may dumaan sa harap ko na mag jowa napairap nalamang ako. Tinutulak ng babae ang lalaki at sabay tawa. Bigla siyang hinatak ng lalaki at inakbayan. Tse! Mag bebebreak
din kayo!

Lolokohin kalang niyan girl kaya wag kang maharot!

Parang ako lang noon...

Napasandal nalang ako sa upoan at kinain ang ice cream... Kung di lang sana ako tanga at desperada noon edi wala akong nararamdamang pagsisisi sa buhay.

Sapol ako ng pana ni kupido, ayon na humaling sa maling tao.

Bigla may upo po sa tabi ko
"Kahit magpagupit ka pa makikilala parin kita dahil kakaiba ka sa lahat. Naalala mo pa ganyan din tayo noon" Sabay tingin sa mag jowa sa malayo. Parang baliktanaw sa nakaraan, ganon.

Tatayo na sana ako para umalis nang hawakan ni kenzo ang braso ko kaya na upo ulit ako. Impakto din itong si Kenzo "Nakita kitang masama ang tingin sa kanila" Ano ngayon sakanya? Bakit ba lagi nalang akong sinusundan ng lalaki to? "Please Cleo give me chance, gusto ko na bumalik tayo sa simula at ayosin ang lahat. Kagaya ng dating Cleo'ng na kilala ko"

Ang Cleo na subrang tanga sa kanya.

Nagulat ako sa huling sinabi niya "Huh? Anong sabi mo? Nabingi ya'ta ako" Seryoso na akong naka tingin sa kanya, kahit na natutunaw na ang ice cream sa kamay ko. "Kung sino man ang Cleo na nakilala mo no'n, hindi na siya ang Cleo'ng kaharap mo ngayon. And please din Ken, Lumayo ka muna sakin. Inaayos ko ang buhay ko" Parang gusto kong maiyak. Bakit ba ang dali kong maiyak?

Wala talagang epek ang advice ni Scarlett. Parang pasok sa tainga labas sa kabila. Ganito ba ang pakiramdam ng marupok?

"Paano ko papatunayang deserving ako para sa second chance, kung 'di mo 'ko hahayaang patunayan sayo ang sarili ko for the secod time. Everyone deserve second chance, Cleo. And people learned from their mistakes" Dama ko ang sakit habang binibigkas niya ang mga salitang iyon.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon