Chapter 23 Part1Music Festival Preparation With Unexpected Person.

16 1 3
                                    

Music Festival Preparation With Unexpected Person.

Scarlett's POV

"Kaya mo na ba yan? Gusto mo ako nalang magbuhat, babalikan ko mamaya." Presenta ni Oliver. Nag-aayos na kami ng decorations mamayang gabi. Buong linggo busy ang school sa paghahanda sa gaganapin na event. Sa pagdaan ng araw naghilom na ang sugat ko.

"Di na. At mapadali ang pag-aayos" Tinignan ko ang apat na kahon, hindi nga mabigat ang kaso sa field ko pa dadalhin ang mga ito. May kalayuan, tirik pa ang araw.

"Inaalala ko lang ang sugat mo. Magaling na ba?"

"Oo"

"Sige una na ako. Mag se-set up pa kami ng stage. Kung nabibigatan ka, lagay mo lang dito babalikan ko" Binuhat niya na ang dalawang kahon. Umalis na siya.

7:30pm magsisimula, ang dami ko pangkailangan gawin. Pinagpatong patung ko ang dalawang box. Halatang tinago talaga sa kapal ba naman ng alikabok hihikain ka.

.

Nahihirapan akong maglakad hindi ko makita ang daan na lalakaran ko. Malapit na ako sa field isang liko nalang. Nang hindi inaasahang may nakabanga ako. Nawalan ng balanse ang katawan ko nabitawan ang dalawang box. Parang nag slow motion ang lahat sa paligid, dahan dahang bumabagsak ang katawan ko. Subalit may naaninag ang mata ko na maliwanag na mukha ng lalaki.

Bago pa man lumagapak ang katawan ko may kamay na sumuporta sa likuran mula sa muntikang pagkakabagsak. Nasalo ako ng lalaki ilang segondo kaming nakatitig sa isa't isa "Isabel" Anang ng lalaking sumalo sakin. Isabel? Titig na titig siya sa mukha ko, pinag-aaralan ang bawat detalyi.

Nailang ako sa ginagawa niya bahagya ko siyang tinulak. Napatayo ako nang tuwid. "Pasensya hindi ko nakita ang daraanan ko" Paumanhin ko. Ilang akong sumulyap sakanya, na tulala pa rin sakin.

Ano ang balak niya titigan challenge?

Nagsimula na akong ayosin ang nagkalat na decorations sa sahig mula sa pagkakahulog. Taranta akong namumulot ilang na ilang na ako sa nakakapasong mga tingin na binibigay ng lalaki. Dadamputin ko sana ang isang maliit na decorations ng siya na mismo ang nakapulot. "Sorry rin Miss, hindi kita napansin okupado kasi ang isip ko" Inabot niya sakin ang napulot niya agaran ko iyon nilagay sa kahon. "Okay lang" Maikli ngunit tensyonado ang boses ko sa kanya. Parang may mali sa pagkatao niya, grabe kong makatingin.

Bubuhatin ko na sana ang kahon ng magsalita ulit siya. "Tulongan na kita"

"Hindi kaya-" Wala pang kalahati ang sinabi ko kusa niyang Binuhat ang isang box. Hindi ako pinatapos magsalita. Kung kilala ko lang 'tong lalaki, malamang ano ano na ang nasabi ko. Walang good manners and right attitude.

"Kuya" 'Di ko alam kung ka edad ko ang lalaki magpakita lang ako ng kaunting respeto. "Ako na ang mabubuhat. Mukhang 'di ka nag-aaral rito kaya hindi kami nag uutos sa mga outsiders" Bagkus na ibaba ang hawak iba ang natangap kong sagot.

Kahit ganito ugali ko nag-aral ako sa catholic school. Hirap paniwalaan.

"Saan ko dadahil ang mga ito?"

Tutal nag presenta siya at mawawalan na ako ng pasensya sa kanya. Binuhat ko ang isang box at pwersahang pinatong sa isa pang kahon na hawak niya. Talagang mapilit sige buhatin mo yan.

"Sa field mo dalhin yan" Masungit kong wika. Walang kareklamo reklamo niyang sinunod ang utos ko.

Nakarating kami sa gitna ng field na tahimik lang. Panay ang sulyap ng lalaki sakin. May itsura siya, singkit ang mata. Maayos manamit iyun ngalang ang werdo.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon