Chapter 41Scared to know her.

8 1 1
                                    


Scared to know her.

Scarlett.

Nakaraang araw ay umugong ang usap-usapan ukol sa pagkawala ng answer keys sa faculty. At mga senior student daw ang may kinalaman ro'n, kaya naman maagap silang nag hahanap ng ebidensya.

"Are you okay? Bakit kayo wala kahapon?" Usisa ni Zero sa harap ko.

"Bakit parang si Scarlett lang ang tinatanong mo Zero? umabsent rin ako" Sita ni Cleo.

"So are you okay Cleo?" ewan sa kanila.

"Oo, ito ayos naman" Shuta talaga kausap si Cleo. "Ano nga pala balita don nawawalang answer key?"

"They said sooner they'll announce an update. Maybe a couple of days we will get the result about who stole the answer keys"

"Senior daw ang kumuha" Dugtong ko.

"Yan ang sinabi nila kanina, rinig ko"

Umabsent lang ako ng isang araw ang dami ng naganap.

"Dahil ang answer keys na nawala ay para sa senior student lang, that's why one of their suspicious is a senior student."

"High blood for sure si Ma'am Santos, ayaw na ayaw pa naman nun sa mga cheater. Malalagot ang kumuha. Paalala pa niya bago ang exam ay no cheating. Niloko siguro si Ma'am, nandadamay."

"Ano ba ang patakaran ng eskwelahan na ito?" Si Zero ang matagal na rito.

"I guest just like before papahirapan o bibigyan ng parusa ang sumaway sa rules and regulations ng school."

"Naranasan mo bang suwayin ang rules nila?" Yung tinidor ni Cleo na sa pagkain ko na.

"Oo. Matagal na yun" Lumamya ang labi niya at sumubo ng pagkain si Zero ng may dalawang babaeng napatigil sa mesa namin. May mga hawak na regalo, ang isa ay may pagkain.

"Bagay talaga ang kulay ng buhok niya, kulayan niya rin sana buhay ko"

"Talandi mo girl, ako nag aya sayo tapos aagawan mo ako" Nagtutulakan sila, rinig pa namin ang bangayan nila.

Tumingala kami sa kanila. "H-hi, Zero" Kinikilig niyang tinig.

"Anong kailangan niyo?" Malditang pagbati ni Cleo. Pero ang mata ay naka sentro sa pagkain at regalo.

"What's it?"

"Nagbake kami ng cake, gusto kong ibigay sayo. Tikman mo masarap yan tulad ko." Nahihiya siyang magsalita pero sabay hawi ng buhok. Sila siguro ang kabilang mga senior na tungkol sa baking ang strand.

"Ito rin pala Zero." Inabot nila ang mga dala.

"Thank you. I appreciate your efforts" Sinabayan niya ng ngiti. Tahimik lang akong nakatingin, si Cleo ay siyang nag iinspeksyon ng mga laman iyun.

"Ahh, nga pala Zero nadinig namin ang usapan. Babalik ka na daw sa pagbabanda, kung totoo man handa ka naming suportahan. Go na go kami"

"Wala pa akong final decision about that rumor. Maybe I will"

"Fighting! Andito lang ak- I mean kami"

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon