Chapter 47 It's okay to be not okay.

9 1 2
                                    

A/N: Ang daming characters nitong story I'm hoping na di kayo maconfuse.

Scarlett's POV

Shuta!

Paano pa ako makakalabas kung buong bahay namin may bantay. Wanted criminal ba ako?

Pagkatapos akong ihatid ni Rylander nagsisulpotan ang batalyon ng mga black suit na lalaki.

Ano bang dahilan ni Samuel bakit ganito siya sa akin? Anong rason ang sinasabi ni Rylander?

Lumipas na ang hapon di ako lumalabas ng kuwarto. Aano ako sa labas? Rarampa sa harap nila?

Suffocated! Yan ang tamang salitang makakapaglarawan sa nararamdaman ko. Tila may kadenang nakatali sa akin, limitado ang galaw.

"Where are you? Ayos ka lang?" Tinig ni Kuya Johan sa kabila. "Sabihin mo shat daw" Singit ni Cleo. "Anong shat?! Tumigil ka Cleo. Tubig ang inumin mo" Nag-aaway ang magkapatid.

"Nasa bahay ako" Tanging sagot ko.

"Kung mag-isa ka ngayon dyan, lumabas ka. Magkita tayo sa lumang building, papunta kami ron. Scarlett we're on are way" Alam siguro niya ang nangyari sa akin. Magkapatid nga talaga sila, pareho ang pakiramdam sa akin.

Hindi ko maramdaman na iba ako sa pamilya nila.

Kahit di ko alam ang gagawin umuo ako.

Tanga ako sa part na iyun, di ko alam paano ako makakalabas tapos balak ko pang umalis.

Napabalikwas ako sa pagkahilata. Pinalitan ko ang uniform ng jeans at white t-shirts kapares ng tennis na itim ang huli ay ang bull cap. Pormahan ng akyat bahay ang kasuotan ko.

Mapapatunayan ko talaga ang salitang pag may gusto may paraan.

Mapapatay lang din ako ni Samuel lulubosin ko na.

Malapit ng mag-alasais. Tinanaw ko sa gilid ng bintana ang mga nakapaligid sa bahay, halos karamihan ay nasa harap naka bantay.

Tamang tama ang paglamon ng dilim sa paligid. Isang daan para makalabas sa likod ng bahay paakyat sa puno ng manga.

Lumabas ako sa kuwarto ko. Si step wala pa, sakto. Walang bantay sa loob ng bahay mga kasambahay lamang ang abala sa paghahanda sa paparating na demonyo.

Sa kusina sila ngayon. Paano kaya ako di mahuhuli? Sa basement ang main switch ng buong bahay, nandon ang kurenteng nagpapagana sa de kurenteng gamit ng bahay. Kaylangan ko lang makarating don nang di nila nalalaman.

Sinilip ko mula sa hagdan ang mga tao, may isang natitirang naghatid ng pagkain sa mesa. Mula dito matatanaw niya ako kung lilingon siya. Nilapag niya ang pagkain saka bumalik sa kusina. Kinuha ko ang pagkakataon para pumuslit papuntang basement.

Sa harap ko ang isang box na nagsusupply ng kurente sa buong bahay.
Kinalikot ko ang nandon, bago ko pa magalaw ang isang bagay na puputol sa kuryente, nagplano ako sa gagawin paglabas. May mga bantay na siguradong pupunta reto para tignan ang switch. May dalawa o isang minuto ako para makalabas, ang ikli ng oras. Swak na swak dahil mangangapa sila sa dilim at di malalaman ang presensya ng pag-alis ko.

Pawis na ang noo ko. Maraming pwedeng sagabal pero ayokong paghintayin ang magkapatid doon.

Pinatay ko na ang kurenyente, mabilis ang galaw na lumabas ako. Muntik pa kaming magkasalubong palabas ni Rylander papasok siya ng pinto. Nagtago ako sa halaman malapit sa gilid ng puerta. Pagkaalis niya dumeresto ako sa likod ng bahay. Kahit nahihirapan akong akyatin ang manga dahil sa dulas ng sapatos ko nakaakyat ako sakto sa pagbukas ng mga ilaw sa loob.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon