CHAPTER 56 Looking Back

13 0 0
                                    

Scarlett's POV

"Ano bang nangyayari sayo?! Dalawang araw ka di pumasok tapos di mo sinasagot ang tawag ko. Sabi ni Step nagkululong ka raw sa kuwarto mo. Hoy! Scarlett broken ka? Ang tamlay mo naman." Kanina pa ako napipilitang pumasok. Hanggang ngayon di maalis sa utak ko.

"May invincible jowa ka tapos nag break kayo?" Wala tigil kakabunganga si Cleo sa harap ko. Bakit di niya samahan si Psyche mag practice? "Astig! Nagmumukha na akong tangang nagsasalitang walang may sumasagot sakin. Di ba uso sayo ang kumausap?"

"May lagnat ako kaya umabsent ako." Dahilan ko na puno ng kasinungalingan.

Naupo siya sa tabi ko. Hinilig niya ang ulo sa balikat ko. "Wag ka namang maging cold. Pakiramdam ko bumabalik ka sa dating Scarlett. Naalala mo pa ba nong unang pasok mo sa school? Takot lahat sayo dahil di ka ngumingiti tapos walang emosyon ang mukha mo. Napagkamalan nga kitang robot." Nanginginig ang mga kamay ko dahil bakit kailangan kong danasin lahat nangyayari sa akin. Dinadamdam ko ang oras na iyon.

Iniisip ko nauto ako dahil sa maling akala ko. Yung iniba ko ang desisyon ko dahil pinili ko siyang paniwalaan, sinaway ko ang habilin ni Samuel.

Dapat ba akong maniwala sa sinabi ni Samuel? Noon ko pa sana ginawa ang layuan ang mga Dela Vega.

"Hindi na nga ako nagrereklamong tuwing iniiwan mo ako noong nakaraan. Nang ghost ka pa ng dalawang araw."

Nangako akong di ako iiyak sa harap ninoman ngunit nabali ko yun nong umiyak ako sa harap niya.. Galit ako sa sarili ko, lahat ng mga bagay na di ko dapat ginagawa nagagawa ko dahil sa kaniya.

Nagagalit ako dahil ayoko kong ibuwis ng kahit na sino ang buhay nila para sa katulad ko...

Ayokong dumating sa punto na babalik sa akin lahat ng sinabi ko sa iba.

"Scarlett..." Tawag ni Cleo sa mahinang boses.

Dalawa lang kaming naka upo sa mga
bleachers ng field.

"-bakit angtigas mo parin? Nag uumpisa akong kwestyonin ang sarili ko kung kaibigan ba talaga turing mo sa akin..." Alam ko umiiyak na siya, tumutulo na sa balikat ko ang luha ni Cleo. "Bakit di mo kayang umiyak sa harap ko? Ang tingin ko wala parin akong kwenta, nandyan ka sa tuwing na sa gitna ako ng problema. Umiiyak ako at ikaw ang panyo ko, na riyan ka tuwing kailangan kita. At ako? Wala akong magawa kung ikaw naman ang nasa sitwasyon ko." Pinahid ko ang luha sa gilid ng mata ko. "Kasi di mo ako hinahayaang tulongan ka. Mas gusto mong mapag-isa kapag may problema ka. Di masama ang humingi ng tulong kung kailangan mo, lalo na sa akin. Kung ayaw mo sa bahay mo wag mong kalimutan may isa ka pang pamilya kahit di man tayo magkapareho ng dugo." Umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko.

"Hindi kita kaibigan..." Tuloy tuloy ang buhos ng luha niya. "Kapatid ang tuwing ko sayo..." Napalunok siya. "Handa kitang damayan hangang kamatayan." Hinagkan niya ako sa leeg, mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. "Minsan mo lang ako makitang seryoso"

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon