Chapter 17 Start the Pretending 101?

27 2 8
                                    

Start the Pretending 101?

Scarlett's POV

KASALUKUYAN akong nag hahanda para pumasok. At hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Ang babaeng iyon mukhang may sakit sa utak! Sabihin ba namang siya si Kupido at ang guardian angel. Baliw nga talaga!

Kaya naisipan ko nalang na iwan siya. Walang saysay kung kaka-usapin ko ang isang taong may deperensya sa pag iisip. Doctor ang kailangan niyang kausapin at hindi ako

Isa ko pang pinagtataka kung bakit niya alam ang pangalan ko? Hindi ko siya kilala. At ang mukha niya parang nakita ko na siya dati pero 'di ko alam kung saan. Ulyanin ang putik!

Kapansin pansin din sa kanyang kilos ang kakaiba, di ko nga namalayan ang presensya niya. Muntik na akong atakihin sa puso sa bigla niyang pagsulpot mula sa likuran ko. Akala ko may sumunod sa aking elemento at kung ano na.

Baka dating sementeryo ang school noon. At maraming engkanto o elemento.

X~X

Walang kaingay-ingay kung maglakad. Sa kanyang pananamit at itsura kapansinpansin na may ibang lahi ito hindi purong pilipino. Di ko rin siya kilala. Andami nang tanong na nabubuo sa utak ko at 'di malaman ang mga sagot.

Bumaba na ako ng hagdan kailangan ko nang umalis, kung hindi ay malalagot nanaman ako kay Mrs. Santos. Napaka bugnotin galit sa mga estudyante. Pinag aaralan ko talaga ang subject niya.

'Di lahat nang tinuturo sa school magagamit ko sa trabaho balang araw.
At alam ko din kung ano ang isasagot ng mga teachers pagsinumbat ko sa kanila yan. 'Dahil kapag nag kaanak ka at magtanong sayo meron kang isasagot'

Kay nga sila papag-aaralin para may matutonan tapos sa magulang din pala mag tatanong. Diba dapat sa guro mag tanong at hindi sa magulang.

Malay ba ng mga magulang kung ano ang tinuturo sa kanila. Kahapong lesson nga 'di nila malala, paano pa kaya kapag lampas ilang taon na? Hayyss...

Nakita ko si Manang Neta at iba pang kasamabahay na naglilinis. Dumeretsyo ako sa mesa na nililigpit na nila ang mga pagkain. Dumampot  ako ng bacon at ham nilagay sa tinapay. Lagi nalang akong gutom, hindi na ako kumakain pag gabi ayaw kong makisalo sa kanila sa haponan. 'Di maalis sakin kung papaano ako totokan nang baril ng mga oras na iyon, hanggang ngayon sariwa parin na muntik na akong mamatay.

May inabot na supot ng plastik si Manang sakin. "Ito Scarlett pinagbalot kita nang makakain, alam ko kasing di ka na sumasabay mag haponan ka gabi" Kinuha ko iyon at tinignan. May dalawang perasong sandwich ang nasa loob.

"Salamat, Manang" Tipid kong sabi.

"Bago ka umalis, may pinapasabi nga pala ang Mama mo. May mahalaga daw silang pupuntahan at matatagalan sila bago makakabalik. Iyon ang bilin niya sakin kanina na sabihin sayo" Saad niya.

Wala akong pake!

Mas ramdam ko pa nga ang pag-aaruga ni Manang saming dalawa ni Stephani. Na 'di naramdaman sa magulang namin. Kapalit ng higher grades ay pera yun nalang ang iniisip ko.

Mukha ka talagang pera!

Kahit na wala sila dito. Wala pa ding mangyayari, pero magkakaroon kami nang kaunting kalayaan pansamantala. Ang sabi nila malalaman at malalaman nila ang ginagawa namin kahit wala sila dito.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon