Face offScarlett's POV
Alas tres na nang umaga pero hindi pa ako makatulog. Iniisip ko parin ang mga nangyari kanina, kung paano niya ako saktan at tutokan ng baril. Parang hindi niya ako kilala o sadyang lumalala lang ang pananakit n'ya sakin
Kung noon sinasaktan niya lang kami ngayon palala nang palala.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa salamin upang tignan ang mga pasa sa leeg kung nawala na ba
Hinawakan ko ang mga pasa pero ang sakit parin. Shit! kanina ko pa nilagyan ng ointment. Paano na ito? may pasok pa ako bukas
Maraming makakahalata panigurado
Binuksan ko ang drawer at hinanap ang ointment. Bahala na kung maubos ko man ito
Nilagyan ko ang bahagi kung saan maraming mga pasa, habang nilalagyan ko napapangiwi nalang ako. Subrang higpit ng pagkakasakal sakin ni Papa. Tagos pati koko.
Bumalik ako sa kama at nahiga.
kaylangan kong pagtiisan kong ano man ang buhay na meron ako. Balang araw makakaalis din ako ditoIsipin ko nalang ang dinanas ni Shana, mas malala pa sakin. Pag naalala ko yon napapaiyak nalang ako
Ang tingin ng ibang tao sa pamilya namin ay subrang perpekto, pero sa likod ng mga papuring natatangap niya isa siyang halimaw. Walang awang tao!
Pinikit ko nalang ang mata ko't kusa nalang akong bumigat ang talukap ng mata ko kusang bumigay ang katawan kong matulog.
Sana pag gising ko wala na yung mga pasa. Sana...pagising ko wala na ang sakit at hapdi ng pagkatao ko.
**
Kanina pa ako nandito sa harap ng salamin. Halos maubos ko na ang concealer kakalagay sa leeg at mukha para magpantay ang kulay
Malelate nanaman ako pag hindi pa ako natapos dito. Dadaan pa ako sa locker para kunin ang iba ko pang gamit
Bahala na nga. Kinuha ko nalang ang scarf sa cabinet
Mukha tuloy akong baliw. Ang init sa pilipinas tapos may scarf pa akong suot. Kulang nalang ng sunglasses para mukha akong hollywood actress
Bumababa na ako, ayaw kong kumain dito sa bahay pagkatapos ng nangyari kagabi
Nagmamadali akong lumabas ng bahay. sa subrang pagmamadali muntik na akong mahulog sa hagdan palabas. Paano ba naman halos takpan ko na ang mukha ko
Samakay agad ako at mabilis na pinatakbo. Kakatakot na malate
𝐍akarating ako sa school mabilis akong pumunta sa locker. Wala na akong pake kong tignan nila ako na parang naligaw. Sino ba ang magsusuot ng scarf sa ganitong kainit na panahon
Bukas ya'ta ang heater ng pilipinas
Mabuti at hindi ganon karami ang nakakasalubong ko sa hallway. Sa locker agad kong kinuha ang mga gamit ko
"Bitawan mo na nga ako Liam!" Sino yung sumigaw? Napakalakas ng boses.
Dahan-dahan kong sinara ang locker. Maisturbo ko sila
"Nakiki-usap ako sayo, layuan mo na si psyche dahil sa kanya na papahamak ka!" Dinig ko ang pamilyar na boses ni Liam
Pero 'di ko masyadong kilala ang boses ng babae
"Wow concern!.. Wala siyang ginawang mali dito. Kaya wag mong idadamay ang pangalan nya!" Sigaw ulit ng babae. Magkaharap lang silang nag uusap pero kung makasigaw ang lakas
BINABASA MO ANG
Melting Her Bitterness
Paranormal(November 1, 2020) Tag-lish Warning before you read this story: Kung di mo gusto ang nakakabaliw na storya skip this. This isn't meant for you to read. Sabi nga nila ang pera ang nagpapa-ikot sa mundo yan ang reyalidad na katotohanan. Paano kung pam...