Chapter 53 Hatred

11 0 1
                                    

Note: I dedicate this song above for Psyche. Ang masasabi ko lang maraming Psyche sa ngayong panahon. May mga malalim na pinaghuhugotan.
I love her character in this story, and I know na may makakarelate kung bakit siya nagkaganon...

Scarlett's Pov

Matapos ang ilang araw na parusa naka balik na kami sa klase. At ramdam mo na nag iba ang pakikitungo ng iba sa amin pagkatapos nun. May ibang titignan ka na hinuhusgahan, may nagtatanong kung ano ba talaga daw ang totoong nangyari, sino raw ang kumuha ng answer key.

Mas inaalala ko ang lesson na hahabulin ko sa pagkawala ko. May nag-uusap tungkol sa group activity na gagawin, may kaba ako sa parting iyun. Baka pagalitan ako, hindi ng guro kundi ni Samuel pagnalaman niyang nagmimintis na ako sa klase.

May alam naman ang guro namin kung bakit kami wala, at tatangapin ko ang special task na bibigay niya para pumantay ang grades ko sa performance, missed activities at quizzes.

Kung gugustohin ko lang, kaya kong pabayaan ang mga iyun at piliing matulog sa library kaso mapapatay ako ni Samuel kung gagawin ko iyun.

"What's better being single or in a relationship?" Tanong ng guro namin sa last subject ng UCSP ngayong hapon.
"Gusto ko lang marinig ang opinion, related naman ang question to our topic. We all know each of us has different belief and culture to our society. Just a survey, ano ang masasabi niyo about my question. Everyone is free to raise their hand." Sumakit bigla kalooban ko sa tanong ni Ma'am.

Basta di ako komportable sa ganyang topic, napipilitan na ngalang ako makinig sa klase niya. Pake ko naman sa relasyon ng mga tao sa paligid ko.

"Oh. Miss Karangalan, what can you say?"

"Mas better maging single walang problema. Hindi kagaya ng may mga jowa may limitasyon ang galaw-" Di pa niya natatapos ang sasabihin ng may tumayo at sumapaw.

"Bitter-bitteran ka teh? Di ba kinikilig ka sa mga napapanood mong kdrama? tapos ngayon better maging single kuno. Eh mamatay ka sa kilig kila Park Seo Joon at Song Joong Ki, ambesyon mo pang maging asawa nila. Ang sabihin mo pag pangit at di swak sa standards mo magiging single ka, pero pag pogi may exception. Sasabihin mo pang "People change" daw. Mareng Emerald, paki babaan ang expectations ha, wala ka sa kdrama." Natawa nalang ako sa isip ko, may kaunting guilt ako sa sinabi niya. Pero mas nainis ang kaklase kong pangalan ay Emerald ng mapa ohhh... Ang klase.

"Bars! Mga Tol! Mag ingay para kay Josefa!"

"Payag ka nun ni-real talk ka gurl. Pag ako yan, aabangan ko sa labas."

"Ganyan talaga kayong mga babae pag pogi laging pinipili..." Mga sad boy na pabebe.

"Pangarap mo pang mag pa Korea wala ka ngang ambag sa project."

Napilitang maupo si Emerald ng marinig ang sinabi nila.

"Kung siya sa Korea, lalangoyin ko nalang papuntang Japan pag di pumayag si Kuya. Total Hapon ka Zero, ikaw na bahala sakin pag na ligaw ako." Sabi pa ni Cleo sa tabi ni Zero.

Isa pa ito, memorize lahat ng pangalan sa anime at hindi lang yun naalala pa niya kasama birthday ng character. Pag tinanong mo siya kung naaalala ba niya yung formula sa math nong nagdaang araw, loading pa utak niya.

Melting Her BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon