Chapter 6

35 1 0
                                    

Habang naglalakad ako sa daan inaalala ko yung sinabing direksyon ni Kevin kanina, hindi ko kasi maintindihan yung mga pinagsasabi niya kaya pilit ko talagang inaalala jusko gusto ko ng umuwi nakakatakot ang mag isa habang naglalakad sa madilim na daan.

Nakakainis ka Kevin! Kasalanan mo to gag* ka! Dinala dala moko dito hindi mo naman ako binalik sa pinanggalingan ko, san na ko pupunta?

Dirediretso lang ako sa paglalakad ng may nadaanan akong grupo ng lalaki na naglalasing, ang sama ng tingin nila sakin nakakatakot kaya binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko hanggang sa napunta ako sa daan na walang masyadong tao.

May napansin naman ako na isang sasakyan, kanina pako sinusundan oh baka nag assume lang ako na sinusundan ako? Bahala na nga.

"Hi Miss"

"Ay kabayo!" Napatalon pa ako ng kaunti dahil sa boses na iyon.

Biglang lumabas sa damuhan yung mga grupo ng lalaking naglalasing kanina, I felt kinda scared siguradong may balak silang mali nararamdaman ko yun.

"Ikaw lang mag isa, naliligaw kaba?"

"Ah, hindi po may hinahanap lang ako Hehe" Kunwari matapang ako, kunwari di ako naaapektuhan sa nangyayari be brave Audrey.

"Hindi eh, parang naliligaw ka gusto mo ituro namin ang daan? San ka ba pupunta?" Papalapit sakin yung isang lalaki, pero pilit akong lumalayo.

"Ah hindi po, mauna na po ako" Aalis na sana ako kaya lang hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ko, kaya nag panic nako. Sinong tutulong sakin dito eh wala naman masyadong taong dumadaan dito? Kasalanan mo to Kevin! Naiiyak nako, grabe pano kung may masamang mangyari sakin dito? Di kita mapapatawad Kevin pag may nangyaring masama sakin.

Pilit kong nilalabanan yung dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang kamay ko, nagsisigaw ako syempre baka sakaling may taong mag magandang loob na tulungan ako.

Sasampalin na sana ako ng isang lalaki kaya pumikit ako, naghihintay ako na dumapo yung palad niya sakin pero wala, kaya dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakahiga na siya sa sahig tiningnan ko naman yung taong sumuntok sakanya at walang iba kundi si Kevin na halata sa mukha ang pagkagalit.

"Sino kang bata ka, bat ka nakekeelam?" Sabi ng isang lalaking nakahawak sa kanan kong kamay.

"Bitawan nyo siya" Ang lakas ng loob ni Kevin alam naman niyang siya lang mag isa at tatlo ang kalaban niya, halata sa mata niya ang pagkagalit parang gusto niyang pumatay.

Ako naman eto hindi ako makapaniwala sa nangyayari, bakit siya nandito diba umalis na siya?

"Sino ka bang bata ka, umalis kana at wag makeelam kundi makakatakim ka sakin" Sabi ng isang lalaki.

"Try me, asshole!" Ngumisi naman si Kevin at tiningnan ako na parang sinasabi na Ok lang andito ako, patuloy parin ako sa pag iyak.

"Gag* ka ah!" Susuntukin sana siya ng isang lalaki kaya lang nakuha ni Kevin yung kamay niya saka binalik yung suntok sakanya, namangha naman ako sa husay niya sa pakikipaglaban mag isa lang siya pero parang kaya niyang patumbahin yung tatlo.

Nakaganti yung isang lalaki at nasuntok niya sa kaliwang pisngi si Kevin, nagpanic ulit ako baka mabugbog si Kevin pero hindi, nakaganti siya sabay tumingin sakin "Umalis kana dali!"

Syempre ayaw ko naman siyang iwan baka may mangyaring masama sakanya konsensya ko pa pag nagkataon.

"AYOKO! Dito lang ako!" Patuloy parin ako sa pag iyak ang dami niyang sugat sa mukha dahil sa mga natamo niyang suntok pero mas grabe naman yung sugat nung tatlong lalaki.

"Wag ka ngang tanga, umalis kana Audrey ako na bahala dito manghingi ka ng tulong dali!" Ayoko pa ding umalis, ayoko.

Kinuha ko ang phone ko at mag didial sana pero huli na ang lahat kasi napatumba na ni Kevin yung tatlo, tumingin ako sakanya nakakaawa ang itsura niya sa sobrang dami ng pasa at sugat duguan pa yung labi niya.

Tiningnan niya ko, agad siyang lumapit sakin at hiniwakan ang magkabilang braso ko, mahigpit ang pagkakahawak niya kaya masakit pero wala parin yun sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

Tiningnan niya ko ng masama "DIBA SABI KO UMALIS KANA! DELIKADO YUNG GINAWA MO! BAT BA ANG TANGA MO?! PANO PAG MAY NANGYARI SAYO?"

"EWAN KO KEVIN EWAN KO! NATAKOT AKO! AYAW KITANG IWAN DITO BAKA MAY MANGYARING MASAMA SAYO! AYAW KITANG IWAN KASI HINDI MOKO KAMUKHA! SA UMPISA PALANG SANA HINDI MO KO INIWAN PARA HINDI NANGYARI LAHAT NG TO! EWAN KO!" Patuloy parin ako sa pag iyak saka ko tinignan si Kevin inalis na niya yung mga kamay niya saka niya ko hinila at yinakap, mahigpit. Habang ako patuloy parin ako sa pagiyak.

"Bitawan moko!" Pilit ko siyang tinutulak pero ayaw niyang pabitaw dahil mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"Shhh, tama na wag ka ng umiyak ok na ang lahat kasalanan ko sorry" Hinayaan ko nalang siya na yakapin ako, at patuloy parin ako sa pag iyak hinagod niya ang likod ko at pilit parin ako pinapatahan.

Bumitaw siya sa pagkakayakap saka niya ko tiningnan sa mga mata "Tara na, iuuwi na kita"

Naglakad siya sinundan ko naman, at binuksan niya yung kotseng naka park sa tabi. Pero.. Teka pamilyar yung kotseng to ah? Ito yung kotseng sumusunod sakin kanina!

"Anong tinitingin mo? Sakay na!" Nasa may driver seat na pala siya.

"Teka.. Ito yung" Tinuro ko yung sasakyan "Yan yung sasakyan na sunod ng sunod sakin kanina ah, sayo yan?"

"Wag ka ng mag tanong, sumakay ka nalang!"

Tsk, siya na ngang may kasalanan sakin siya pang may ganang magalit! Nakakainis talaga.

"Ok ka lang?"

Tiningnan ko siya ng masama, mukha ba kong ok? Gusto ko ng umuwi masakit ang ulo ko feel ko nawalan nako ng energy.

"Gusto mo ng ice cream?"

Tiningnan ko ulit siya, mukhang nakakaamo yung tingin niya. Hindi ko alam kung bakit sa titig na yun eh napatango ako sa alok niya? Parang may mali, kumikirot kasi yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok.

I Love You So (GabyViPhi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon