Chapter 10

27 1 0
                                    

Kevin's POV

Dinala ko si Audrey dito sa favorite spot ko, nakasandal kami sa kotse habang umiinon ng coffee, ewan ko kung bakit ko siya dinala dito. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta, hindi ko nga din alam sa sarili ko kung bakit ko siya niyayang lumabas. Parang kanina lang may ginagawa kami ni Nichole, tapos biglang pumasok si Audrey.

Bakit ko ba ginagawa lahat ng ito? Ano bang iniisip ko?

"Bakit mo ko dinala dito?" Nabasag ang nakakabinging katahimikan, wala kasi saming dalawa ang gustong magsalita, kahit ako kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko ginagawa lahat ng ito?

"Wala kasi akong kasama" What? Anong sabi ko? Damn!

Bigla namang nagdikit ang kilay ni Audrey, parang nagtatanong yung mga mata niya.

"Bakit ako? Why not your girlfriend?"

Hindi ko rin alam Audrey.

"Wag ka ng magtanong, uminom ka nalang ng kape" Hindi ko na kasi alam kung anong dadahilan ko.

"Masungit! Wala naman sa plano ko to."

Tumingin ako sakanya, kasalukuyang nakatingin siya sa ilog, katapat kasi namin ang ilog tapos may bridge sa taas. Ito ang favorite spot ko kasi tahimik at nakakarelax, maganda ang view dito lalo na kapag gabi 7:00 P.M narin kasi.

Maraming tanong sa sarili ko na hindi masagot, hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit parang ginulo mo Audrey ang buhay ko? Hindi ko alam kung ikaw ba siya, kung ikaw nga bakit ngayon lang?

----
Audrey's POV

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit parang panatag na ko pag magkasama kami ni Kevin. Parang kailan lang eh sinusumpa ko ang pagmumukha at kalulwa niya sa sobrang sama niya, bakit ngayon nagbabago ang lahat? Madaming tanong ang gusto kong masagot.

Kevin Spencer, bakit napaparamdam mo lahat sakin to? Sandali lang tayong magkasama pero parang unti unti nakong nahuhulog sa patibong mo, parang gusto ko ng makapasok sa buhay mo na kahit minsan eh hindi ko pinangarap sa tana ng buhay ko, bakit parang pag kasama kita pamilyar na ang lahat, parang matagal na kitang kakilala.

"Kevin, pwede ba uhmm... Back to normal nalang lahat yung ako si Audrey na nobody at ikaw si Kevin na super popular sa sobrang ka gwapuhan kasi.." Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko kasi, gusto talaga kitang maintindihan Kevin parang gusto kong pumasok sa buhay na ginagalawan mo, pero.. Madaming tanong, saka may mga bagay na kailangan na manatili nalang kung ano talaga sa umpisa.

"Kasi.." Hinihintay ni Kevin ang susunod na sasabihin ko pero ayaw bumuka ng bibig ko na kanina pa gustong magsalita.

"Kasi, Kevin mas maganda na yung dati nakakapanibago kasi saka hindi ako kabilang sa mundo mo, naiintindihan mo ba?"

Bigla namang nag iba ang hugis ng mga mata niya, parang sinasabi ng mga mata niya na hindi siya sang-ayon.

Bigla niyang pinatong ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko kinulong niya ko sa pamamagitan ng mga kamay niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, konting galaw lang pwede ko na siyang mahalikan.

"Pano kung gusto kitang ipasok sa mundo ko Audrey?"

Bigla namang nagising ang diwa ko at pilit na itulak siya pero hindi ko nagawa sa sobrang tigas ng katawan niya, ano bang laban ng isang tulad ko sakanya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay "Bitawan moko Kevin, na-nasasaktan ako"

"I don't know why am I doing this, but there is something I really want to know, at malalaman ko yon Audrey, I really want to know. You don't have to enter my world kung ayaw mo, but I will try to enter yours Audrey."

"Alam mo hindi kita maintindihan, ang weird mo!"

Pero imbis na sagutin niya ko hinawakan niya yung kwintas ko, "You don't really know anything aren't you?"

"Ano bang pinagsasabi mo, bitawan mo nga yang kwintas ko" tinabig ko yung kamay niya sa may leeg ko.

"Malalaman ko din Audrey, if you are.." Natigilan siya at tinignan niya ang mga mata ko "Her"

"What are you talking about? You're acting weird! Pwede ba iuwi mo nako? Gusto ko ng umuwi"

Tinignan lang niya ko sa mukha kasunod ay ang kwintas ko, "I want to know, who you are Audrey, who you really are. And someday malalaman ko din"

And the rest is blank, Hindi ko alam ang pinagsasabi niya, hindi kaya alam niya, hindi kaya..

I Love You So (GabyViPhi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon