Chapter 4

45 1 0
                                    

Pagka bell na pagka bell ng last subject namin bigla akong kinabahan dahil ito na ang oras ng pakikipagkita ko kay Kevin sa Elms Garden.

Sinulyapan ko siya ng kaunti at di ko alam na nakatingin pala siya sakin kaya inalis ko agad ang mata ko sakanya baka iba pa isipin niya, agad kong inayos ang gamit ko at mabilis na lumabas ng room at huminga ng malalim.

Grabe! Ano ba tong nangyayari sa buhay ko parang mali lahat? Hayyy.. Kailan pa naging ganito ka kumplikado ang buhay ko, dati ang ginagawa ko lang naman ay mag aral ng mag aral at hinahayaan lang ang pambubully nila sakin pero ngayon parang mas lalong nagiging mahirap sakin ang lahat lalo na nung umeksena sa si Kevin sa buhay ko, bwisit na research sana matapos na agad! Tumingin ako sa relo ko at nakita ko 2:50 na napamura nalang ako ng malaman kong malapit ng mag 3 at baka malate ako patay ako kay Kevin.

Tumakbo nalang ako ng mabilis at sa wakas andito nako sa Elms Garden sa likod ng university, hinihingal ako dahil medyo malayo din ang tinakbo ko.

Lumingon ako para tignan kung nasan si Kevin at nakita ko siya na nakasandal sa may puno at tinitigan ako mula ibaba hanggang taas parang ineexamine niya kung bakit ako hinihingal.

Tinignan niya ang relo niya ang bahagyang lumapit sakin "You're late, I told you not to be late right? Pinakaayaw ko ang nag iintay tandaan mo yan"

Tinignan ko ang relo ko at nakita kong 1 min lang naman ang pagkakalate ko sumosobra na siya, pagod na pagod na nga ako para tumakbo papunta dito. Kailangan kong kumalma hinga ng malalim inhale, exhale.

"One minute lang naman, hindi naman ganon katagal at least nakapunta pa din ako" Medyo naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko sa sobrang pagod, may asthma pala ako kaya hindi ako pwedeng mapagod.

Nung naramdaman ko na hindi ako medyo makahinga, napaupo ako sa may damuhan at nagmamadaling hinalungkat ang bag ko para makuha ang gamot ko.

Hindi ko mahanap kaya inalis ko lahat ng gamit ko sa bag, naiiyak nako kasi masakit wala pakong dalang tubig, sh*t asan naba yung gamot ko?

"Hey, are you alright? Is there something wrong? Hey!" hinawakan niya ang braso ko at lumuhod sa harap ko halata sa mukha niya ang pagkataranta "Hey! Answer me, you're scaring the freakin hell out of me!"

"Yung, *cough* g-gamot ko, *cough* hinahanap ko" Mukhang na gets naman niya ang sinabi ko kaya tinulungan niya ako sa paghahanap, nakita niya ang gamot ko sa may bulsa ng bag ko.

"Eto ba?" Tumango nalang ako saka kinuha yung gamot, at kumuha ng isang tableta saka nilunok yun.

"Stay! May kukunin lang ako, I'll be back" Umalis siya, hindi ko alam kung san siya pumunta.

After 2 min bumalik siya na may dala dalang tubig at ibinigay sakin "Drink these" Kinuha ko naman yung tubig saka uminom, huminga ako ng malalim at tumingin ako sakanya.

"Thank You" yun lamang ang nasabi ko, bigla naman niya inalis yung tingin niya sakin at tumingin sa ibang direksyon "It's nothing ginawa ko lang ang dapat kong gawin dahil tayo lang ang nandito baka pag may nangyari sayo kunsensya ko pa, tumayo ka na diyan mag umpisa na tayo"

Naglakad naman siya papalayo, ako naman tumayo agad para masundan siya ang bilis niyang maglakad di ko tuloy siya masundan, san ba kami pupunta?

"Pwede pakibagalan yung lakad mo, ang bilis mo eh" Hinihingal nanaman ako tsk, ang haba kasi ng legs kaya mahaba din ang hakbang.

Huminto siya sandali sa paglalakad at tumingin sakin "Kasalanan mo ang bagal mong maglakad, bilisan mo nga ang bagal mo!"

"Pasensya na ah, maiksi lang ang legs ko hindi kagaya ng sayo mahaba!" Mukha ka kasing kapre, hindi ko na tinuloy baka mag away pa kami.

"Tsk, at sasagot ka pa. Oh malapit na pala tayo"

Tumingin naman ako sa palagid, nasan ba kami? Mukhang abandonado na tong lugar na to walang masyadong dumadaan na tao, teka.. Hindi kaya?!

"Hoy! San mo bako dadalhin? Ano ba tong lugar na to? Ano gagawin mo sakin? Gusto ko pang mabuhay!!!!" Tumingin siya uli sakin, yung tingin naman niya ngayon eh yung parang nakakamatay na tingin matalim parang tigre.

"Wag ka ngang tanga paganahin mo yang utak mo wag yang imahinasyon mo, kung gusto man kitang patayin hindi ko na gagawin dito kahit sa elms garden lang mapapatay kita. Tsk, akala ko bang DL #1 ka ang tanga mo naman!?"

Okay, ouch! Medyo masakit ang pananalita niya, kinuyom ko nalang ang kamao ko saka pinagpatuloy ang paglalakad, linagpasan ko siya ng biglang..

"Teka! San ka pupunta?"

"Maglalakad! Para hindi mo nako tawaging tanga"

"Tanga ka padin, alam mo ba ang pupuntahan natin?" Humarap ako sakanya "Hindi"

"Tanga ka nga, saka ka nalang padalos dalos maglakad diyan eh hindi mo naman pala alam kung san tayo pupunta?"

At muli kinuyom ko ang kamao ko saka bumalik sa dating pwesto, hanggang kailan kaya ako pahihiyain ng taong to? Kasalanan mo Audrey Scarlett Garcia, bakit ka ba kasi sumama sakanya eh alam mo namang may sayad yang taong yan!

"Andito na tayo" Tinuro naman niya ang isang bahay na medyo luma na, oh luma na talaga! Tapos may sign board na Ling's Canteen.

"Anong gagawin natin dito?"

"Basahin mo yung sign"

"Ling's Canteen, tapos?"

"Ano sa tingin mo ang gagawin natin dito?"

"Hindi ko alam, ang pagkakaalam ko kasi kaya tayo nagkita ngayon para pag usapan ang research natin hindi para pumunta dito sa lugar na to! Tsk!"

"Wag ka ngang madada, kumain muna tayo habang pinag uusapan natin ang gagawin para sa research. Nagugutom nako"

Ano daw kakain? Lumakad kami ng napakalayo para kumain? Nagbibiro ba siya?! Pinapainit niya ang ulo ko ah! "Ang pagkakaalam ko Kevin kaya ako sumama sayo dito ay dahil pag uusapan natin ang research natin, hindi para kumain diyan" Tinuro ko ang lugar na sinasabi niya.

Tinaasan niya ko ng kilay at nag krus ng kamay "Pag uusapan naman natin, kakasabi ko lang diba? Pag uusapan natin! Kaya lang habang kumakain dahil nagugutom nako"

"Uuwi nako" Naglakad nako at nalampasan siya kaya lang...

"Alam mo ba ang direksyon pauwi?" At muli, tiningnan ko siya ng masama "Hindi"

"Sa uulitin wag kang tanga, bakit ka aalis eh hindi mo naman pala alam ang uuwian mo? Sige ikaw ang bahala mag gagabi pa naman hindi natin alam ang mangyayari sayo baka may makasalubong ka diyan ng mga taong hindi nakikita, BYE! Ingat ka ah" Aba't! Nginitian pa ko ng nakakaloko, sabagay tama siya nakakatakot tong lugar baka.. ehhh creepy.

"Tara na! Akala ko bang kakain tayo?" Nag smile naman ng bahagya si Kevin saka umiling, ang gwapo pala niya pag tumatawa? Tsk, ano ba Audrey! Ang landi mo.

I Love You So (GabyViPhi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon