Chapter 7.1

40 2 0
                                    

Naglalakad kami ni Kevin sa park kasalukuyan habang kumakain ng ice cream, ewan ko ba kung anong topak nito at bakit niya ko niyayang maglakad sa park? Ginamot ko narin yung mga sugat niya at nilagyan ng band aid, kawawa naman.

"Ok ka na?"

"Huh?" Di ko kasi marinig madami kasi akong iniisip, madaming tanong.

"Tsk, sabi ko ok ka na?"

"Ah eh, Ok lang." Nag smile lang ako sakanya.

"Uwi na kita gabi na, ano oras curfew mo?"

Curfew, curfew, Oo nga pala 10:00 ang curfew ko 9:50 na! OMG!

"Mauna na ko!" Aalis na sana ako kaya lang hinawakan ni Kevin ang kanang braso ko.

"Aalis na ko oras na"

"Hatid nalang kita gabi na delikado sa daan"

"Pero Kevin -"

"Ihahatid na kita gabi na, baka pag may nangyari sayo sa daan konsensya ko pa ayoko ng maulit yung nangyari kanina."

"Pero kasi--"

"Wag ka ngang tanga! Sumunod ka nalang!" Nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng boses nya, tsk ang pangit talaga ng ugali.

"Wag mo nga ako sigawan! Bitawan mo nga ako" Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak nya.

"Tsk, arte!"

Naglakad lang kami ni Kevin yung sasakyan niya iniwan niya sa may park babalikan nalang daw niya mamaya ang kulit kasi sabi kong wag na kong ihatid kasi kaya ko naman ang sarili ko siya lang mapilit! Hindi kami nagpapansinan habang naglalakad awkward lang.

"Bakit hinahayaan mo na ganyanin ka ng ibang tao?"

"Huh?"

"Bakit hinahayaan mong inaapi ka ng ibang tao, bat di ka lumaban? Tanga kaba oh wala ka lang pakiramdam"

Tiningnan ko siya ng masama, bakit nga ba? Bakit nga ba wala akong pakiramdam kahit na sobrang pangit na ng panlalait ng mga schoolmate ko sakin.

"Ewan ko"

"Wag ka ngang boba! Lumaban ka hindi yung hinahayaan mong minamaliit ka ng mga taong nakapaligid sayo"

"Wag mo nga akong sigawan! Ang lakas ng loob mong sabihin lahat ng yan eh ang totoo ikaw ang nangunguna sa pang aapi sakin! Tsk"

Andito na pala ako sa harap ng dorm, akala ko magiging mabait na siya sakin nag assume lang pala ako.

"Mauna na ko! Salamat!"

Didiretso na sana ako sa loob ng bigla siyang magsalita.

"May dahilan lahat ng ginagawa ko sayo, Bye!"

Lumingon ako palikod may sasabihin pa sana ako kaya lang umalis na siya, bastos talaga! Anong sinabi niya? Di ko maintindihan, bahala na nga!

I Love You So (GabyViPhi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon