Ang daming bata dito sa loob, ewan ko kung anong dahilan kung bakit ako dinala ni Kevin dito.
"Bakit tayo nandito?"
Humarap siya sakin at tinignan ako ng masama, SUNGIT! "Isang tanong pa, kundi ikaw mag isa ang gagawa ng research"
Tinikom ko nalang ang bibig ko baka mainis pa siya sakin, nakaupo kami ngayon sa may bench malapit sa isang room may hinihintay ata si Kevin.
Bigla siyang sinenyasan ng isang babae, tumayo ito at tumingin sakin "Wag kang aalis diyan, diyan ka lang"
"OPO!Tsk." Ang bossy talaga niya nakakainis.
Pumasok siya sa isang room ako naman naiwang nakatulala dito, matagal kaya siya? Gutom nako.
Biglang gumalaw yung bush na halaman sa harapan ko, nakakatakot naman dito.
Gumalaw ulit, tumayo ako para tignan kung anong meron don. Pagkatingin ko isang batang may hawak na bulaklak.
"Hi" Nag smile ako sakanya, isang batang babae she's cute, nag smile din siya sakin.
"Sino ka?" Tanong niya.
"Uhmm, ako si Ate Audrey mo. Ang ganda mo naman" Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at pinisil.
"Bakit po kasama mo si Kuya Kevin, ano ka po niya"
Biglang may lumabas na madaming bata sa isang kwarto tapos pinalibutan nila ako, ang aamo ng mga mukha nila.
"BAKA GIRLFRIEND NI KUYA KEVIN!"
Sigaw nung batang lalaki, ano daw girlfriend?
"Ah, hindi hindi! Uhmm, kaibigan lang niya ko"
"AHHH" Sabay sabay pa sila tapos tumango tango pa, ang cucute!
Biglang may nagsalita sa likuran ko "Oh mga bata siya si Ate Audrey niyo kaibigan ni Kuya Kevin maging mabait kayo sakanya"
Isang madre ang nagsalita, kasama niya si Kevin nasa tabi niya ito. Si kevin naman ang sama ng tingin sakin, ano nanaman ba ang ginawa ko?
"Sabi ko wag kang aalis dun, ang tigas ng ulo mo"
Bahagyang tumawa naman si Sister, ewan ko kung anong pangalan.
"Hayaan mo na iho, napakaganda mo iha makinis ang iyong balat at napakaamo ng iyong mukha."
"Ako nga pala si Sister Theresa mo" Niyakap naman ako ni Sister Theresa nakakagulat ah, niyakap kurin siya pabalik.
"So iha, anong masasabi mo sa ampunan?" Lumakad siya at sinundan lang namin siya ni Kevin.
"Ang presko po, maganda tapos po madaming bata napakaamo po nila tapos parang.. ano po.." Napatingin naman ako sa isang sway na nakasabit sa puno, may nakita akong batang babae na nakaupo dun tapos nag smile sakin, ang ganda ng mga mata niya tinignan ko ng mabuti pero wala namang bata kinusot ko ang mga mata ko, pero wala talaga. Baka namamalikmata lang ako.
"Parang ano iha?" Tanong ulit ni sister, tinignan ako ni Kevin.
"Parang ano po.. Parang pamilyar" Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.
Tinignan ako ni sister tapos, naglakad ulit siya "Ang ampunan na ito ay pagmamay ari ni Kevin"
Huh? Ano daw?
"Po? Ang ampunang ito ay kay Kevin?" Kay Kevin? Si Kevin bibili ng ampunan? Ows?
"Ows?" Tinignan ko si Kevin pero hindi siya nakatingin sakin, tumingin siya sa kawalan. Si kevin na sobrang suplada at sungit magkakaroon ng ampunan? Sinong may akala na ang halimaw na ito ay mahilig sa bata.
BINABASA MO ANG
I Love You So (GabyViPhi)
DragosteAudrey Scarlett Garcia is just a normal college girl who is studying hard for the sake of her dreams, pero biglang papasok si Kevin at Jin na magpapagulo ng buhay na matagal niyang inayos para sa kinabukasang pinapangarap niya. Kevin is the heir of...