Kevin's POV
"Sir eto na po yung mga papeles na kailangan nyo" Si Jane, ang secretary ko. Nilapag niya sa lamesa yung files na pinahanap ko sa kanya about Diana Hotel.
"May kailangan pa po kayo, sir?"
"Wala na pwede ka ng umalis"
I open the files about Diana Hotel, medyo namomroblema kasi ako dahil nawawala yung mga pera na dapat ay nakalaan dito, merong nakawan na nangyayari sa kumpanya.
So I decided to call Mr. Romero about it, siya ang may hawak ng Diana Hotel at siya rin ang may hawak ng pera pero nabigla ako noong sinabi ng mga board of directors na nawawala daw ang pera.
"Hello, Hello Mr. Romero"
"What is it Sir?"
"I want to meet you later about Diana Hotel, meet me at Savour Restaurant 2:00 PM"
I ended the call, then I saw Audrey's picture on my table.
Who are you? Sino ka ba talaga Audrey?
I decided to call Lucio, he is my private investigator about Audrey's matter. I hired him for some reasons, I want to know about Audrey, I want to know more.
Last month, nabigla ako when I saw that necklace to her, sinusuot niya yon. Iisa lang ang kwintas na yon sa mundo at kilala ko kung sino ang nag mamay-ari non, hindi ako pwedeng magkamali. Is it her? Is it you Audrey? I want to know! Nababaliw nako knowing na nakay Audrey ang necklace na yon.
"Hello, Lucio? I want to know about Audrey's case?"
"Sir, wala po akong makita na files about Audrey Scarlett Garcia, there are no files about her. Her identity is hidden and protected"
"Damn! Give your best, try to find who is behind of that matter! Bakit nakatago? Sino ang nagtatago about her true identity? Alamin mo! I want to know who is she"
"Sir, hindi naman po sa may nagtatago about her true identity baka po may mali lang about her name or something, baka po si Ms. Audrey ang nagtatago, baka po ang alam nyo tungkol sakanya ay.."
"What?"
"Baka hindi nyo po talaga alam kung ano ang pangalan niya, baka po may pinalitan siya"
"I'll send her picture to you later, give your best to know who she really is Lucio. I'm paying you based on your performance so do everything!"
"Yes sir"
Binaba ko na ang phone at kinuha ang picture ni Audrey.
My name is KEVIN JAMES SPENCER MONTEMAYOR, pero mas kilala ako sa pangalang Kevin James Spencer na isang mayabang na estudyante, konti lang ang nakakaalam tungkol sakin. Ako ang CEO ng GO- MONTE EMPIRE, na galing pa sa lolo ng lolo ko, na malapit ng maipasa sakin.
Yes, I'm the heir of GO-MONTE. At my young age kaya ko ng patakbuhin ang kumpanya sa posisyon ko na CEO, one year ago noong naipasa sakin ang pwestong eto ayon sa kagustuhan ni Dominic Montemayor ang Lolo ko.
Alam ng iilan sa school na isa akong Montemayor, pero hindi ko ginagamit ang apelyidong Montemayor, sa mata kasi ng ibang tao pag isa kang Montemayor isa kang nakakataas, sabihin nalang natin na gusto ko lang maging isang normal na estudyante kagaya ng iba. Konti lang ang nakakaalam na ako na ang CEO ng GM EMPIRE.
Nagising naman ako sa katotohanan, nag ring kasi ang phone ko. Ibinaba ko ang picture ni Audrey saka ko kinuha ang cellphone ko sa bulsa, at isang napakahalagang tao ang tumatawag.
"Hello"
"Andito ako sa Airport, pasundo naman"
I smirk, tapos binaba ang phone so.. Andito na siya.
----
After how many minutes andito nako sa airport, para sunduin siya.
May ibinulong ako sa isang empleyado na kapag nakarating na siya ay iinform nila ako.
Pero huli na pala, andito na siya sa harapan ko at papalapit na sakin, dala niya ang iba niyang gamit.
Hindi parin siya nagbabago, walang nagbago sa itsura niya siya parin ang kababata ko.
Akmang yayakapin niya ako pero inilayo ko ang katawan ko, iba na baka iba ang isipin ng ibang tao at ng mga empleyado ko.
"Hindi pa rin nagbabago bastos ka parin" Tinapik niya ang likod ko.
"Alisin mo nga yang kamay mo sa likod ko baka masapak kita dito" Tinignan ko siya ng masama.
"Oh bro! No hard feelings, kakarating ko lang hindi mo ba namiss ang bestfriend mo? Haha."
Kinuha ko ang kanang kamay niya saka niyakap siya ng bahagya, tatlong taon din kaming hindi nagkita ng kumag na to. Umalis kasi siya tatlong taon na ang nakakaraan para ayusin ang business ng parents niya sa Europe na siya na ang may ari ngayon umuwi siya sa Pilipinas para ayusin ang pinapagawa nilang branch dito.
"Kumusta kana, Jin?"
"Eto gwapo pa din, HAHAHA"
Siya lang ang tumawa sa sinabi niya, hindi parin nagbabago ang gagong to isip bata parin.
"Tara na nga, baka masuntok lang kita"
"Sus! Ikaw lang ang naging CEO ng GM Empire nag iba kana! Ikaw ba yan Kevin?"
"Gago! Nag matured lang ako, di kagaya mo ganyan ka parin"
(A/N)---> Sa side po ay si Jin.
"Sus! Ano na pala balita? Kwento ka naman! Kumusta pagiging CEO?"
Hindi ko na siya pinansin saka nako naglakad,
"Ayos CEO ah, gumanda airport nyo! Ang gara ng BBEAL, balita ko sayo naka project to. Iba ka na nga!"
"Gago! Tara na, uwi muna kita sa bahay para makita ka nila Mama matutuwa yung mga yon pag nakita ka nila"
"Oo ba! Namiss ko din ang kaldereta ni Tita Bea"
BINABASA MO ANG
I Love You So (GabyViPhi)
RomanceAudrey Scarlett Garcia is just a normal college girl who is studying hard for the sake of her dreams, pero biglang papasok si Kevin at Jin na magpapagulo ng buhay na matagal niyang inayos para sa kinabukasang pinapangarap niya. Kevin is the heir of...