Andito ako sa bahay ngayon para paghandaan ang research na gagawin ko, uumpisahan ko na ngayon hindi ko pa kasi nakakausap si Kevin kung ano ang gagawin namin, hindi niya kasi ako pinansin kahapon akala ko i-aapproach niya ko pero hindi, eh natatakot naman akong lapitan siya baka awayin niya ako at ipahiya lalo na ngayong kumakalat ang balitang inagawan ko daw siya ng pwesto? Hindi ko naman kasalanan yon diba?
"Hoy babae! Balita ko DL #1 ka sa School of Natural Science? Ikaw na congrats!" Rian said, siya nga pala ang nag iisa kong ka dorm, siya lang naman ang nakatiis na makasama ang isang katulad ko.
"Thanks, pero may mali" Tinignan ko siya sa mukha at pinakita ang bibig kong nakanguso "Wag ka ngang gumanyan ang panget mo! Ang arte mo, ayaw mo nun #1 ka?"
"Che! Salamat ah, salamat! Hindi kasi, k-kasi ano.."Nagtaas naman ng kilay si Rian, halatang hinihintay ang sasabihin ko "Kasi diba ang number 1 dati ay si Kevin Spencer at hindi ako, baka magalit siya sakin mas lalo niya akong pag tripan sa school at asarin. Lalo na ngayon ka partner ko siya sa research sa socio feel ko mahihirapan ako, ay ewan bahala na!" Napa face palm nalang ako sa sobrang inis.
Huminga ng malalim si Rian saka tumingin sakin "Alam mo Audrey hindi mo kasalanan kung bakit natanggalan ng pwesto yang si Kevin, kasalanan niya hindi siya masyadong nag effort kaya natanggal siya sa DL #1 dapat nga maging masaya ka ngayon hindi yang parang namatayan ka sa mukha mo! Alam naba ng mama at papa mo na DL #1 ka?"
Oo nga pala hindi ko pa nasabi kay mommy at daddy ang magandang balita sa sobrang pag iisip "Hindi pa" yan lamang ang nasabi ko sakanya.
"Alam mo, tawagan mo na sila at sabihin sakanila. GORA!" Hinila pa niya ko at kinuha ang phone ko sa bed, nagpapasalamat talaga ako dahil andyan si Rian palagi para suportahan ako.
Nginitian ko nalang siya saka kinuha yung phone ko sa kamay niya saka pumunta sa veranda para maibalita ko kay mommy at daddy lahat.
Mga after 1 hr natapos din ang pag uusap namin ni mommy at daddy syempre masaya sila para sakin alam narin ni Kuya Kurt at Kuya Jed at masaya din sila para sakin excited na daw nilang makita ang bunso nila, namimiss ko na din sila.
After ko silang makausap napagdesisyunan ko na umupo sa may study table ko at buksan ang laptop ko para mag open ng facebook, wala lang feel ko lang mag open para naman kahit papaano eh may alam ako sa nangyayari sa mundo, hindi naman sa pagiging chismosa pero para lang maging aware lang ako sa mga nangyayari diba?
Baba lang ako ng baba sa news feed ko hanggang may nag pop up na notif sa friend request pinindot ko naman para makita kung sino yun at ang nakita kong pangalan ay si....
KEVIN JAMES SPENCER
Nabigla naman ako ng konti, kinuha ko pa ang eye glass ko para makita ko siya talaga yon, oh ibang Kevin lang ang nag add sakin pinundot ko ang pangalan niya para makita ko ang profile niya, pagkakita ko sa profile picture niya hindi ako nagkakamali siya nga ang mayabang na si Kevin, ano nanaman ba ang pakulo nito? Wag ko na nga lang i accept hayaan ko nalang (A/N: Wag kang fame whore Audrey!)
After 15 min may nag message sakin at si Kevin yun.
Kevin: Hey ugly alam kong online ka, ako na ang nag add sayo ayaw mo pang i accept ang friend request ko. Wag kang assumera baka akala mo hinahabol kita gusto lang kitang makausap about sa gagawin natin sa socio. ASAP
ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NITO, makapag reply nga.
Me: HOY ANG KAPAL MO DIN NOH! Bakit hindi moko kausapin harap harapan about sa gagawin natin sa socio para mas lalo tayong magkain...
Mali, mali! Binura ko nalang yung sasabihin ko dapat, baka pag pinatulan ko pa siya mas lalo niya akong pag tripan sa school, wala po kasi akong lakas ng loob!
Inaccept ko nalang siya at hintayin ang susunod niyang message pero wala pang dumarating.
After mga 10 min may nag message at si Kevin yun.
Kevin: Meet me tomorrow sa likod ng school sa may Elms Garden wag kang papalate at magsama ng kakilala mo kundi patay ka sakin, wag kang malelate 3:00 pm pagkadismiss, paguusapan lang natin kung ano ang gagawin natin sa socio. Mag reply ka ng kahit dot lang wala ng iba para malaman ko na nabasa mo tong message ko.
Me: .
Nagreply lang ako ng dot yun ang nais niya eh saka ayoko na rin ng maraming satsat lalo na si Kevin ang ka chat ko mahirap na.
Ano kayang gagawin namin bukas? Kinakabahan ako eh.
BINABASA MO ANG
I Love You So (GabyViPhi)
RomanceAudrey Scarlett Garcia is just a normal college girl who is studying hard for the sake of her dreams, pero biglang papasok si Kevin at Jin na magpapagulo ng buhay na matagal niyang inayos para sa kinabukasang pinapangarap niya. Kevin is the heir of...