Chapter 1

111 1 0
                                    

"Audrey Scarlett!!!!!" Muntik na kong mahulog sa kama dahil sa sigaw na yon. Damn! Inaantok pa ko eh, pwede 5 minutes pa please?

"Bakit ba? Natutulog pa ko!" Kinuha ko yung isang unan at itinakip ko sa mukha ko.

Tinanggal naman ni Rian ang pagkakatakip ko na dahilan narin ng pagdilat ko ng mga mata ko, tumingin ako sakanya.

"Baliw! Wala ka bang pasok? Excuse me it's already 8:00 am at ang pagkaka alam ko kasi nakita ko yung schedule mo na nakapaskil dito.." Tinuro niya yung nakadikit sa gilid ng kama ko "Wednesday ngayon kaya ang first class mo is 8:30! Bumangon kana dyan!"

And suddenly Im back in the real world, tumingin ako sa orasan malapit sa bed ko at tama siya 8:00 am na nga. DAMN! I'M SO LATE!

"Sh*t! Bakit ngayon mo lang ako ginising? Super late nako!!!"

"Boba! Kanina pa kita ginigising kundi lang kita sinigawan sa tenga di ka magigising!"

Tumakbo agad ako para kuhanin ang twalya ko, at gumora na ko sa CR para maligo. Argggghhhh! Na late nanaman ako ng gising, Nakakainis!

After kong maligo nag ayos lang ako ng konti at pumunta na ng school, hindi ko naman kasi kailangang magpaganda para pumunta lang ng school konting ayos lang sapat na, hindi naman ako ma echos na kailangang pinturahan pa ang buong mukha bago tumapak sa loob ng school.

Sakto lang ang dating ko sa room PA10, dahil 5 min lang ang kailangang lakarin at nasa school nako kaharap lang kasi ng dorm ang school kaya OK na.

Pagkapasok ko sa room as usual parang dumaan ang anino sa gitna walang pumansin sakin kasi hindi ako maganda, hindi din ako yung tipo ng babaeng pagdating sa room ay makikipag chismisan agad kung ano man ang bagong chismis sa buong araw in short I'm NOBODY, nobody but you! Pweh! HAHA back to reality.

Umupo ako sa likod dahil lahat ng BARKADANG SIKAT nakaupo sa harap in short ang tawag ko sakanila ay tRopHang KhuL3333txs wala silang alam gawin kundi mang trip at mang lait ng mga taong alam nilang mas nakakaangat sakanila.

"Andito na pala si Manang?" Sigaw ni Jake na kasama sa T.K (Tropang Kulets)

Sino ba si manang? Ako lang naman yon! Ako na, ako na ang pangit at hindi marunong mag ayos ng sarili, Ako na! Ako na! Gusto kong isigaw sa harapan niya pero hindi nalang ako umimik bagkus nagkunwari lang ako na walang narinig LALALALALALALALA.

"Tol ang hard mo naman! HAHAHAHA" Sabi naman ng isang pamilyar na boses sabi ko sa sarili ko wag nalang siya pansinin at tignan, bigla naman akong tinraydor ng utak ko at tumingin ako sa likod para makita ang mga taong pinakamumuhian ko.

Hayyy... Bakit kaya ganyan ang mga ibang kabataan ngayon? Bakit hindi nalang sila mag aral ng mabuti, bakit kailangan pa nilang pagkainteresan ang mga taong kagaya ko, mga kagaya kong nabubully?

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Bumalik naman ako realidad nung narinig ko ang boses ni Kevin na nakatingin sakin, isang nakakamatay na tingin.

Nakayakap siya sa girlfriend niyang mukhang white lady na si Nicole, feeling niya eh sobrang ganda niya porke ang puti niya mukha naman siyang binudburan ng arina sa sobrang kapal pa ng polbo sa mukha niya. HAHAHAHAHAHAHAHA

Tiningnan naman ako ng masama ni Nicole saka ako nginitian na parang sinasabi ay 'you're dead!' Ehhh.. Creepy

"STOP LOOKING UGLY!" Napalundag naman ako ng kaunti dahil sa pasigaw na boses ni Kevin, humarap nako sa may blackboard at hindi na muli silang tinignan.

Tumawa naman ng napakalakas ang mga tropa niya habang nangingibabaw naman ang boses ng girlfriend niyang impakta! Pweh! Bakit ba kasi ang tagal ng prof? Pag 15 minutes wala pa yung prof pwede na kaming lumayas ibig sabihin dismiss na ang klase.

10 min.

7 min.

5 min.

3 min.

2 min.

1 min.

1 sec.

Wala na talaga ang prof! Yes early dismissal may one hour vacant pa ko pupunta nalang ako ng canteen para kumain ng breakfast, mag iipon muna ako ng lakas para sa panlalait ng T.K mamaya. Hayyyyy... Kailan kaya magbabago ang ikot ng buhay ko?

Pagkarating ko ng canteen andun nanaman ang T.K di ko sila pinansin pero bahagya akong napatingin kay Kevin kapag talaga hindi niya ko inaasar mukhang anghel yung mukha niya maamo pero mas mabaho pa sa imburnal ang ugali niya parehas sila ng girlfriend niya.

Balita ko simula noong H.S pa sila ay magkasintahan na sila hanggang ngayong college, sus WALANG FOREVER PARA SA MGA BITTER NA KAGAYA KO! HAHAHA.

Hindi niyo pa ko kilala? Ako mga pala si Audrey Scarlett Garcia, ang haba po ng pangalan ko ano po? Pinag isipan kasi talaga ng mga parents ko ang ipapangalan sakin dahil mahal nila ako. Ang tutuo niyan ang pamilya namin ay kasama sa mga pinaka kilalang pamilya ibig sabihin sa status eh nasa itaas kami sa pamumuhay, pero walang nakakaalam hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na ipagmamayabang ang lahat ng meron sila pag alam nilang mayaman sila! Marunong parin naman akong lumingon sa pinanggalingan ko noh, wala lang talaga sa itsura ko ang mayaman simple lang kasi ako.

Tama na nga sa kwento ng buhay ko! Pupunta na ko sa room S302 naman ngayon para sa subject ko na Sociology and Anthropology isa sa mga paborito kong subject kasi tiyak na marami kang matututunan.

Pagkapasok ko sa room umupo agad ako sa harapan 10 min pa bago mag bell, konti palang kaming estudyante dito kami palang mga nobody, wala pa yung mga taong with body. Ano daw? Bwahahaha, ang ibig kong sabihin ang kasama ko lang sa room ay yung mga taong walang alam gawin kundi mag aral, matalino kaya ako! Ang tutuo niyan, I'm taking up BS in Medical Technology dahil pangarap ko ang maging isang doktora, gusto nila Mommy at Daddy kumuha ako C.E (Civil Engineer) kasi si Daddy ang may ari ng CASI construction firm, kasi lahat kaming magpapamilya si Kuya Kurt at Jed engineer sila, si Daddy C.E din at si mommy naman ay architect, hindi ko nga alam bat ko naisipang pumasok sa mundo ng siyensya, basta mahabang kwento!

Nabigla naman ako sa malakas ng kalabog ng pinto andito na ang mga tropang kulets, kunwari di ako aware sa pagdating nila para hindi nila ako pagtripan pero wala eh, ganyan talaga ang buhay.

"Hoy panget, tabi ka nga sa kabilang row ka umupo dito kami!" Sabi naman ni Kelly, isa sa mga T.K sus akala mo eh ang ganda ganda! Puno naman ng pimples sa mukha, mukhang bata kung umasta pero daig pa ang 50 anyos dahil sa sobrang tanda ng itsura!

"BILIS! Ang bagal kumilos!" Sabi naman ni Francis, isang baklang tinalo pa ang tikbalang sa sobrang kapangitan actually siya ang incarnation ni Petrang kabayo.

Agad ko namang kinuha ang gamit ko para lumipat ng upuan, bigla naman sinipa ni Nicole ang uupuan ko SANA, wala akong nagawa kundi kunin ulit ang upuan at duon inilagay ang gamit ko. HAYYYYY LORD KAILAN MATATAPOS TO!

I Love You So (GabyViPhi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon