Who Am I?

288 13 9
                                    

Tatlong araw na simula ng maging si Seokjin ang doctor ni Yessa. Mas maasikaso kaysa sa unang doctor ni Yessa.

"Unang kita ko pa lang sayo Doc alam ko ng kalahi kita. Pano ka napunta dito?" tanong ni Jimin kay Doctor Seokjin.

"Well I finish my doctorate here and I decided to work here since wala na din naman akong babalikan sa Korea." sagot ni Jimin habang chinecheck si Yessa.

"I see."

"Kayo? Bakit biglaan paglipat niyo dito. Base on her record pumunta kayo dito after operation ng patient."

Kinuwento ni Jimin ang nangyari kay Yessa. Tumabi si Jimin sa gilid ni Yessa at hinawakan ang kamay nito.

"That is a sad story.." sabi ni Seokjin pagkatapos marinig ang kwento ni Jimin.

"Unfortunately yes. We are just praying na magising sya. Ilang araw na lang isang buwan na syang tulog."

Maya maya ay nakitani Jimin na may tumulong luha kay Yessa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maya maya ay nakitani Jimin na may tumulong luha kay Yessa. Bigla din niyang naramdaman na gumalaw ang kamay ni nito.

"Doc, gumalaw sya.." gulat na sabi ni Jimin.

Lumapit agad si Seokjin para icheck si Yessa. Tumawag ito ng mga nurse para tulungan siya.

Tinawagan agad ni Jimin ang kaniyang magulang para ibalita ang nangyari. Pagkalipas ng 20 minutes ay nakarating agad ang kanyang magulang.

"Doc, ano po? Magigising na po ba sya?" tanong ng ama ni Yessa.

"I cant tell pero its a good sign. Naigalaw na niya kamay nya maybe sooner or later magising na din siya." sagot ni Seokjin habang nakatayo sila sa may pintuan.

Si Jimin naman ay nakaupo lang sa tabi ni Yessa. Umaasang magising na ang kaniyang kapatid.

Makalipas ang tatlong oras ay nakatulog si Jimin, habang hawak ang kamay ni Yessa. Ganun din ang kaniyang magulang na nakaupo sa sofa na nasa gilid lang ng higaan ni Yessa.

Nagising si Jimin nang maramdaman niyang may gumagalaw sa kaniyang kamay. Pag dilat ng kaniyang mata ay nakita niyang kamay ni Yessa ang gumagalaw. Pagtingin niya kay Yessa ay nakadilat ito. Hindi ito makapagsalita dahil sa mga aparato na nakalagay sakaniya.

"Mamsy, Dad! Gising na sya!" sabi ni Jimin.

Agad na nagmulat ng mata ang ama at ina ni Jimin. Tumakbo agad sa labas si Jimin para tumawag ng nurse. Mabilis na dumating si Seokjin at mga nurse sa kwarto ni Yessa.

Chineck nila ito at nang makitang ayos ang oxygen nito ay tinanggal na ang naka kabit kay Yessa.

"Can you hear us?" tanong ni Seokjin.

Tumango lang si Yessa habang tinitignan ang mga tao sa kaniyang paligid. Naiiyak naman sa tuwa si Jimin at kaniyang pamilya dahil sa wakas ay nagising na ito.

EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon