THIS IS HOW WE END THIS

308 12 2
                                        

"Pumayag ka na kasi, nakiusap din si Yoongi sakin.." sabi ni Yessa habang nakayakap siya sa likuran ni Jungkook.

Humarap si Jungkook at hinawakan ang mukha ni Yessa.

"Diba sabi ko sayo, ayoko na? Gusto ko na magfocus sayo." Sabi ni Jungkook sabay ngiti.

Tumalikod si Yessa at naupo.

"Sayang naman kasi yung naumpisahan mo." sabi ni Yessa sabay tingin sa bintana.

Tumabi naman si Jungkook at hinawakan ang kamay ni Yessa.

"Ayokong mawalan ng oras sayo, gusto kasama kita palagi. Ayoko ng may mangyari sayo ulit Yessa." seryosong sabi ni Jungkook.

"Wala namang mangyayari sakin, tsaka isa pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Wala namang mangyayari sakin, tsaka isa pa.. Madami din akong projects ngayon." paliwanag ni Yessa.

"So? Okay nga yun diba? Pwede kitang samahan kahit saan at kahit anong oras." masiglang sabi ni Jungkook.

Hinawakan ni Yessa ang dalawang kamay ni Jungkook.

"Jungkook, hindi pwedeng hihinto na lang yung mundo mo sakin. Alam ko na pangarap mo yun, at gusto ko sabay nating tuparin yun." sabi ni Yessa sabay ngiti ni Yessa.

Napabuntong hininga lang si Jungkook habang nag iisip.

"Ano? Payag ka na ba?" sabi ni Yessa sabay yakap kay Jungkook.

"May magagawa pa ba ako? Ikaw na humiling.." sagot ni Jungkook sabay yakap din kay Yessa.

--

"Ginamit mo pa talaga si Yessa para mapabalik ako ha?" seryosong sabi ni Jungkook kay Yoongi.

Ngumiti lang si Yoongi sa sinabi ni Jungkook.

"Malapit ko na din iwan 'to, gusto ko bago mangyari yun okay na okay ka na ulit." sabi ni Yoongi.

"Iwan? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Jungkook.

"Maghahanap muna ako ng mas better work for me."

"Bakit? Ang laki naman ng kinikita mo sakin ha?" pabirong tanong ni Jungkook.

"Haha! Hindi yun, ikaw talaga. What I mean is kung saan ako sasaya.." sabi ni Yoongi sabay ngiti.

Ngumiti si Jungkook at tinapik ang balikat ni Yoongi.

"So, lets start to sign some contracts. And by the way meron ka ulit endorsement kasama si Yessa, napaka laki kasi ng naging sales nung magkasama kayo.."

Napaisip si Jungkook at tumingin kay Yoongi.

"Alam na ba yan ni Yessa?" tanong ni Jungkook.

"Hindi pa, bakit?"

"Pwede mo bang kausapin si J-Hope? Wag niya muna kamo sabihin kay Yessa." pakiusap ni Jungkook.

"B-bakit?"

EUPHORIA: You Are The CauseMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon