Naging subsob si Jungkook sa kaniyang trabaho. Lalo siyang sumisikat sa Korea habang si Yessa naman ay patuloy na nagpapagaling sa Thailand. Kabi kabila ang natatanggap niyang project at unti unti na rin siyang nakikilala sa ibat ibang bansa.
After 3 months..
"Jungkook are you ready?" tanong ni Lisa habang nakahawak sa braso ni Jungkook.
"Yeah." sagot ni Jungkook sabay alis ng kamay ni Lisa.
Lumabas si Jungkook at pumunta sa presscon area. Nang magsimula ang presscon ay nagtanong na kaagad ang mga reporter. Naka live ang presscon ni Jungkook sa social media kaya napapanood ito sa maraming bansa.
"Kamusta naman po ang relationship niyo ni Lisa?" tanong ng isang reporter.
"I prefer not to answer that." maiksing sagot ni Jungkook.
"May isang netizen from Thailand ang nagtanong, she is Nari. She asked what or who is your inspiration when you are writing a song because she really appreciates your music. And she said that her favorite song of you is Euphoria.." tanong ng isa pang reporter.
Natigilan si Jungkook dahil naalala niya si Yessa.
"Actually this past few months I am very inspired when it comes to writing songs. And that Euphoria is a song for a girl. As of now I am still inspired of doing more songs because of that girl." naka ngiting sagot ni Jungkook.
--
Habang nakaupo si Nari sa kaniyang kwarto ay nanonood siya ng live ni Jungkook. Simula ng makapakinggan niya ang kanta ni Jungkook ay hinanap hanap na niya iyon. Hindi alam ng kaniyang mga magulang na nagkaka interes na siya dito.
Pagkarinig niya ng sagot ni Jungkook mula sa kaniyang tanong ay nangiti siya.
"Maswerte yung babae na yun kasi mukhang espesyal siya kay Jungkook. Lalo akong humahanga sa tao na to." sabi ni Nari sa kaniyang isip.
Biglang pumasok si Jimin sa kaniyang kwarto at nakita ang pinapanood ni Nari. Agad niyang kinuha ang cellphone nito.
"Kuya why?" nagtatakang tanong ni Nari.
"Wa-wala.. Nasa baba kasi si Doc." sabi ni Jimin.
"Ang aga naman nya? Sabi nya 3pm pa teraphy ko?" tanong ni Nari.
"Sige na bumaba ka na." sabi ni Jimin sabay tulak kay Nari palabas ng kwarto.
Napaupo si Jimin sa kama ni Nari habang pinapanood ang live ni Jungkook.
"Sa nangyayari sa career mo ngayon, masaya ka ba?" tanong ng reporter.
"Yes, but I feel like something is missing.." sagot ni Jungkook.
Napadiin ang hawak ni Jimin sa cellphone ni Nari.
"Something is missing huh? After what you did to my sister.." galit na sabi ni Jimin.
--
Pagbaba ng hagdan ni Nari ay naabutan niya sa sala si Seokjin at may dala itong bulaklak.
"Ang aga mo naman Doc?" tanong ni Nari.
"Last teraphy session mo na kaya I want to take you out for a lunch. Baka kasi pagtapos ng terephy mo di na kita makita.." nakangiting sabi ni Seokjin.
"Pwede naman tayo magkita Doc, we are friends now right?" nakangiting sabi ni Nari.
"Hey I told you many times, Seokjin na lang. Friends na nga tayo diba?" sabi ni Seokjin.
BINABASA MO ANG
EUPHORIA: You Are The Cause
Fanfictioneu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ a feeling or state of intense excitement and happiness.