Tahimik si Yessa at Jungkook habang magkaharap sa sala. Makikita sa mukha ni Jungkook na may gusto itong sabihin.
"Bakit ka pala nagpunta?" tanong ni Yessa habang nakatingin sa lamesa.
"I waited for your reply the whole day, waiting for you to answer my calls." seryosong sagot ni Jungkook.
"Busy ako sa taping diba?"
"Busy? I saw something in the social media." seryosong tanong ni Jungkook sabay tingin kay Yessa.
"What?"
"Lunch with a guy."
"Ah, si Taehyung."
"Yeah, what is going on? I thought pumayag ka na magpaligaw sakim tapos may ganun? It says that you were seeing him." seryosong tanong ni Jungkook.
"Scripted yon, sinadya lang kami kuhanan ng pictures." sagot ni Yessa.
"Sana nireplyan mo man lang ako."
Seryoso pa din ang mukha ni Jungkook, alam niya sa kaniyang sarili na nililigawan pa lang niya si Yessa. Pero alam din niya na gusto niya talaga ito.
"You know what? You can stop courting me right now." sabi ni Yessa sabay tingin kay Jungkook.
"Ha? Bakit?" gulat na tanong ni Jungkook.
"Ayoko lang."
"No, itutuloy ko.."
Biglang tumayo si Yessa.
"Hindi mo ba nakikita? Nakakasira lang ako sayo? Yung endorsement mo, nacancel ng dahil lang sa issue na yon." sigaw ni Yessa.
Tumayo din si Jungkook at hinawakan ang dalawang balikat ni Yessa.
"Yessa, you know that I like you. Akong bahala sa lahat. Trust me with this please." pakiusap ni Jungkook.
"No. You better stop, at isa pa magiging busy na din naman ako." sabi ni Yessa sabay tanggal ng kamay ni Jungkook sa kaniyang balikat.
"Please?" malungkot na pakiusap ni Jungkook.
Tumalikod lang si Yessa at umakyat ng kwarto. Naaawa siya kay Jungkook, pero ayaw naman niyang makasira sa buhay nito.
Umalis si Jungkook sa bahay nila Yessa at dumiretso sa bahay nila Lisa. Pagdating niya doon ay nakita niya agad si Lisa.
"Hey.." sabi ni Lisa sabay yakap kay Jungkook.
Kinalas naman ni Jungkook sa pagkakayakap sa kanya si Lisa.
"I know what are you doing." seryosong sabi ni Jungkook.
"What? I dont understand you."
"Alam kong ikaw nagpapakalat ng mga pictures namin ni Yessa. What for Lisa?"
BINABASA MO ANG
EUPHORIA: You Are The Cause
Fanfictioneu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ a feeling or state of intense excitement and happiness.