Memory

271 18 10
                                    

Hindi maipaliwanag ni Yessa ang kaniyang nararamdaman kaya naisip niyang lumabas.

"Yessa? Saan ka pupunta?" tanong ni Jimin.

"Nasan si Seokjin?" seryosong tanong ni Yessa.

"Wala, pero pauwi na daw." sagot ni Jimin.

"Dito lang ako sa labas." paalam ni Yessa.

"Sige, dyan ka lang ha."

--

Nagsinungaling si Yessa dahil umalis siya at naghanap ng lugar kung saan siya pwedeng uminom. Nang makahanap siya ay naupo agad siya at umorder.

Nang madala ang order ni Yessa na soju ay uminom agad siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang madala ang order ni Yessa na soju ay uminom agad siya.

--

Naisipan ni Jimin na silipin si Yessa dahil ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din ito pumapasok. Sakto namang dumating si Seokjin.

"Jimin? Bakit?" tanong ni Seokjin ng makapasok ng gate.

"Si Yessa.."

"Why?" nagtatakang tanong ni Seokjin. Napansin kasi niya na tila may hinahanap ito.

"Nagpaalam kasi si Yessa sakin kanina  sabi niya dito lang daw sya sa labas. Hinanap ka pa nga nya bago lumabas.." paliwanag ni Jimin.

"Baka naman nasa kwarto na?"

"Wala, nasa sala lang ako. Di ko pa napapansin na dumaan sya."

Kinuha ni Seokjin ang kaniyang cellphone at tinawagan si Yessa, sinagot naman agad ito ni Seokjin.

"Where are you?" nag aalalang tanong ni Seokjin.

"I dont know." sagot ni Yessa sa kabilang linya.

"Huh? Kalalabas mo lang ng hospital Yessa!" galit na sabi ni Seokjin.

"I-im f-ine. Makakauwi d-din ako, alam ko pa naman yung d-daan papunta dyan sa b-bahay mo.."

"Umiinom ka ba?" tanong ni Seokjin.

"S-sige na."

Pinatay ni Yessa ang tawag ni Seokjin.

"I think umiinom si Yessa." sabi ni Seokjin sabay tingin kay Jimin.

"Hanapin natin sya.."

Mabilis na lumabas si Jimin at Seokjin para hanapin si Yessa.

--

Habang umiinom si Yessa ay tumatakbo pa din sa kaniyang isip si Jungkook. Nagulat naman siya nang biglang tumawag sakanya si Jungkook.

"Hello? Nakauwi ka na?" tanong ni Jungkook sa kabilang linya.

"Yeah. W-why?"

"Wala lang, Im just checking kung nakauwi ka na nga ba. Kamusta pakiramdam mo? Teka.. Parang wala ka sa bahay? Nasan ka?" tanong ni Jungkook nang mapansin ang paligid ni Yessa.

EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon