Umakto si Nari ng maayos sa mga sumunod na araw. Habang nag iisip siya tungkol sa kaniyang sarili ay hindi niya mapigilan na malungkot dahil kung totoo man na siya si Yessa, bakit kailangan itong itago sakaniya ng kanyang pamilya? Bakit binuhay siya sa nakalipas na buwan na puro kasinungalingan.
Korea 1PM
Pagdating ni Nari sa Korea ay nag check in siya sa isang hotel.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naupo agad siya at nag message kay Jimin.
Im sorry Oppa, nandito ako ngayon sa Korea. Madaminggumugulo sa isip ko. Nitongnakakaraang araw may mga nagsasabi sa akin tungkol sa pagkatao ko. Alam kong pipigilanniyo ako kapagnagpaalam ako kaya umalis na lang ako. Gusto ko lang malaman kung ano ang totoo. Babalik din ako kaagad.
--
Habang nanonood si Jimin ay biglang nag notify ang kaniyang messenger. Binuksan niya ito agad ng makitang si Nari ang nag message at binasa ito agad.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nabasa at dali daling pumunta sa kusina kung nasaan ang kaniyang magulang.
"Mamsy! Dad!" sigaw ni Jimin.
"Oh? Anong problema? Si Nari ba anong oras daw uuwi?" tanong ni Ae.
"May problema.." seryosong sabi ni Jimin.
"Ano?" tanong Dong Hyun.
"S-si Nari nasa Korea." sabi ni Jimin sabay tingin sa kaniyang ama.
Nabitawan ni Ae ang hawak na baso pagkarinig sa sinabi ni Jimin.
"Ano?" gulat na tanong ni Ae.
Iniabot ni Jimin ang kaniyang cellphone sa ama at pinabasa ang message ni Nari. Binasa din ito ni Ae.
"Anong gagawin natin ngayon?" alalang tanong ni Ae sabay tingin sa kaniyang asawa.
Panandalian silang natahimik dahil pare pareho silang nabigla.
"Jimin, sundan mo kapatid mo. Magbook ka ng flight as soon as possible. May tatapusin lang kami ng Mommy mo tsaka kami susunod.." utos ni Dong Hyun.
"Okay Dad." sagot ni Jimin.
Bumalik
Pumunta agad si Jimin sa kaniyang kwarto at tinawagan si Nayeon.
"Hello?"
"Hello? Jiminssi?" bati ni Nayeon sa kabilang linya.