"Jungkook.."
Nagulat si Jungkook nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kaniyang likod at nilingon niya ito agad.
"Y-yessa?"
Walang reaksyon ang mukha ni Yessa nang humarap si Jungkook. Sumenyas naman si Jungkook kay Yessa para umupo, at umupo naman ito sa tapat kung saan umupo si Jungkook.
"I just came here to give this back to you.." sabi ni Yessa sabay pakita ng singsing sa kaniyang kamay na ibinigay sa kaniya ni Jungkook.
Hindi alam ni Jungkook ang kaniyang mararamdaman dahil pakiramdam niya ay talagang lalayo na si Yessa sa kaniya. Hindi siya makatingin kay Yessa dahil habang nakikita niya ito ay lalo lang niya ito gustong lapitan.
"Im sorry to bother you, aalis na ako. Sana maging mas successful ka pa.." sabi ni Yessa sabay lapag ng singsing sa mesa na nasa pagitan nila ni Jungkook.
Habanh tinitignan ni Jungkook ang singsing ay bumabalik lahat ng masasayang memories nila ni Yessa. Gustuhin man niya na habulin si Yessa ay di niya magawa dahil alam niya na mas mabuti ng wala siya sa buhay nito.Habang naglalakad palabas si Yessa ng building si Yessa ay tumutulo ang kaniyang luha.
--
Makalipas ang isang taon..
"Yessa Lee: Comeback movie "Once In a While"
"Are you happy?" tanong ni Jimin.
Nagulat si Yessa nang biglang nagsalita si Jimin mula sa kaniyang harapan.
"Nakatulala ka dyan, ano bang iniisip mo?" dagdag na tanong ni Jimin.
"Oppa! Ginulat mo naman ako."
"Kanina pa kasi kita napapansin na nakatulala dyan sa cellphone mo." sabi ni Jimin.
"May nabasa kasi ako.."
"Ano? Yung tungkol kay Jungkook?"
Tumango lang si Yessa at napabuntong hininga naman si Jimin.
BINABASA MO ANG
EUPHORIA: You Are The Cause
Fanfictioneu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ a feeling or state of intense excitement and happiness.