Ruin

263 15 0
                                    

Pagka kuha ng mga gamit ni Jimin para sa ospital ay dumiretso siya sa bahay nila Nayeon. Naabutan niya ito sa terrace na umiiyak.

"Nakita mo ginawa mo? Napaka sama mong kaibigan! Kahit kelan walang ginawang masama sayo ang kapatid ko!" galit na sigaw ni Jimin.

Nagulat si Nayeon sa pagdating ni Jimin kaya't hindi siya makasagot. Napatitig lang siya habang umiiyak.

"Anong iniiyak mo dyan? Wala kang karapatan na umiyak!" tanong ni Jimin.

"Im sorry Babe, hindi ko alam na ganito yung mangyayari." sagot ni Nayeon.

"Dont call me that way, pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko? Theres no way you can call me that way again!"

"What do you mean?" tanong ni Nayeon sabay hawak sa braso ni Jimin.

Tinabig agad siya ni Jimin.

"Hindi mo na ko kailangan tanungin. Pero sige lilinawin ko na sayo, tapos na tayo! Yan lang din naman yung dahilan kaya ako pumunta dito, para sabihin sayong tinatapos ko na relasyon natin!" sigaw ni Jimin sabay talikod kay Nayeon. Bago pa siya makalabas ay nilingon niya ulit si Nayeon.

 Bago pa siya makalabas ay nilingon niya ulit si Nayeon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kalimutan mo ng nakilala mo kami. Multuhin ka sana ng konsensya mo." sabi ni Jimin sabay labas ng gate.

After 3 days..

"Jungkook! Lumabas ka na dyan.." sabi ni Lisa sabay katok sa pintuan ng condo ni Jungkook.

Hindi umiimik si Jungkook. Tatlong araw na siyang nagkukulong ng kwarto simula ng malaman niya ang nangyari kay Yessa.

"Anak, nandito ako.." sabi ng ina ni Jungkook.

Maya maya pa ay binuksan ni Jungkook ang pintuan.

"Kung pwede Mommy ikaw lang pumasok.." pakiusap ni Jungkook.

"Anak nandito si Lisa.."

"Sige po, aalis na lang ako." sabi ni Lisa sabay alis.

Pagpasok ng ina ni Jungkook ay nakita nito ang mga naka kalat na bote ng alak.

"Anak, ano ba nangyayari saiyo? Hindi ko naiintindihan. Tinawagan lang ako ni Lisa dahil tatlong araw ka na nga daw hindi lumalabas dito.." tanong ng ina ni Jungkook sabay upo sa tabi nito.

Bigla ng tumulo ang luha ni Jungkook.

"Anak? Bakit ka umiiyak? Sabihin mo sakin.."

Lalong naiyak si Jungkook.

Lalong naiyak si Jungkook

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon