"Yessa.."
Nagtataka pa din sj Nari sa inaakto ni Jungkook.
"Uhm, ako yung kachat mo sa Twitter.." sabi ni Nari.
Hinawakan ni Jungkook ang kamay nj Nari.
"Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw si Yessa.."
"Baka po nagkakamali ka lang? Nari po pangalan ko.." paliwanag ni Nari.
"Jungkook, whats happening? Miss your time is up papasok na next.." sabi ng isang staff.
"Sige po." sabi ni Nari sa staff.
"Nice meeting you Jungkook." sabi ni Nari sabag tayo at labas.
Tumayo si Jungkook at akmang lalabas ng harangan siya ni Yoongi.
"Where are you going?" tanong ni Yoongi.
"Si Yessa yon, hindi ako nagkakamali.. Aalis ako at susundan ko sya!" galit na sabi ni Jungkook.
Hinawakan naman siya agad ni Yoongi sa braso para pigilan.
"Hindi mo ba nakikita? Ang daming fans na nag aantay sayo?" tanong ni Yoongi.
Hindi na sumagot si Jungkook at tinabig na lang ang kamay ni Jungkook. Dumiretso palabas sj Jungkook at hinanap si Nari. Nagpalinga linga siya habang naglalakad ng mabilis.
"Yessa, hindi na ko papayag na mawala ka pa. Alam kong ikaw yan.. Pero bakit parang iba ka?" tanong ni Jungkoom sa sarili habang hinahanap si Nari.
Nang hindi niya makita si Yessa ay nainis na siya sa sarili.
"Yessaaaaaa!" sigaw ni Jungkook.
Nang sumigaw siya ay agad siyang nilapitan ng mga fans na nasa paligid. Agad nasagi ng kanyang mata si Nari pero hindi na siya makaalis sa dami ng tao.
"Jungkook!" sigaw ni Yoongi.
"Aish! Nakakainis!" sabi ni Jungkook sabay buntong hininga.
--
Naisipan na umuwi na kaagad para hindi magtaka sa kaniya ang kanyang mga magulang. Pag uwi niya ay dumiretso siya sa kaniyang kwarto. Hindi mawala sa isip niya ang inasal ni Jungkook nang makaharap siya. Maya maya pa ay tumunog akong kaniyang cellphone nang dahil sa isang notification. Binuksan niya agad ang kaniyang cellphone para tignan ito. Nakita niyang nag dm sakaniya si Jungkook.
📝 (Jungkook)
Yessa?"Huh? Bakit ba niya ko tinatawag ng ganun?" tanong ni Nari sa kaniyang sarili.
Nagreply si Nari.
📝 (Nari)
Nagkakamali ka yata? May name is Nari.📝 (Jungkook)
No. Alam ko si Yessa ka, bakit ipinagkakaila mo? Is it because you are mad at me?📝 (Nari)
Hehe bakit naman ako magagalit sayo? Baka po talaga nagkakamali ka kasi hindi ako yung tinutukoy mo.📝 (Jungkook)
Can you send me a picture of you?Nagsend naman si Nari ng kaniyang selfie kay Jungkook.
--
Nanlaki ang mata ni Jungkook sa isinend ni Nari na picture.📝 (Jungkook)
Hindi ako nagkakamali, ikaw nga yan Yessa.📝 (Nari)
Sorry, im not the "Yessa" you are talking about. There is no reason para magsinungaling ako.Gulong gulo ang isip ni Jungkook sa sinasabi ni Nari dahil sigurado siya na si Yessa iyon. Paulit ulit niyang tinignan ang picture na sinend sa kaniya ni Nari.
BINABASA MO ANG
EUPHORIA: You Are The Cause
Fanfictioneu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ a feeling or state of intense excitement and happiness.