Pagkatapos manood ng 3 movie nila Yessa at Jungkook ay nagpaalam na ito para umuwi.
"Pano uwi na ako ha? Yung sinabi ko sayo na may rehearsal ako and mini concert totoo yun ha?"
"Ha? Tatlong araw tayong hindi magkikita?" tanong ni Yessa.
"Yes, medyo dumami kasi schedule ko. Babawi ako sayo promise."
Napansin ni Jungkook na lumungkot ang mukha ni Yessa.
"Hey dont worry, I will call you palagi. Okay?" naka ngiting sabi ni Jungkook.
"Okay, halika hatid na kita sa labas."
Nagpaalam si Jungkook sa ina ni Yessa at kay Jimin bago lumabas ng bahay. Nang makarating sila sa labas ay humarap si Jungkook kay Yessa at hinawakan ang kamay nito.
"Ingat palagi sa taping ha?" paalala ni Jungkook.
Tumango lang si Yessa.
"Uwi na ako, bbye. Salamat sa oras mo, masaya ako nakasama kita. I love you." sabi ni Jungkook sabay talikod kay Yessa.
Pasakay na sana ng sasakyan si Jungkook nang..
"Jeon Jungkook!" sigaw ni Yessa.
Napalingon si Jungkook, lumapit naman si Yessa.
"Bakit?" takang tanong ni Jungkook.
"Sarangahae~" sabi ni Yessa habang nakatitig kay Jungkook.
"A-ano?"
"Sabi ko I love You."
"Ha?"
"I LOVE YOU!" malakas na sabi ni Yessa.
"Ano yun?"
Napansin ni Yessa na iniinis siya ni Jungkook kaya tumalikod siya. Bigla namang hinila siya ni Jungkook. Hinalikan siya ni Jungkook pagkaharap niya.
Hindi makapagsalita si Yessa.
"Ano ibig sabihin nun?" naka ngiting tanong ni Jungkook.
"A-alin?" utal utal na tanong ni Yessa.
"Bakit mo sinabi yun? Ano ibig sabihin nun?"
"Sinasagot na kita.." sagot ni Yessa.
Lumaki ang ngiti ni Jungkook.
"Totoo ba yan? Walang bawian?" tanong ni Jungkook.
"Oo." nakangiting sagot ni Yessa.
Niyakap ni Jungkook si Yessa at ganun din si Yessa.
--
"Magpasalamat ka kay Lisa, ang dami mong projecta ngayon." sabi ni Yoongi kay Jungkook habang nasa rehearsal.
"Ginagawa ko din naman makakaya ko kaya deserve ko naman siguro lahat 'to. And please stop depending on her." sabi ni Jungkook pagkatapos uminom ng tubig.
"Huh? Di ka ba masaya na nakakatulong ako sayo?" tanong ni Lisa.
"Im happy, but I think I can do it naman without your help." sagot ni Jungkook.
"Talaga ba? Sinasabi mo sakin yan ngayon?" inis na sabi ni Lisa.
"Umayos ka Jungkook, malaki pa din ang share ng Daddg ni Lisa dito sa company. They can pull out your contract anytime." galit ba sabi ni Yoongi.
"Think about your parents, this is what they want right?" dagdag pa ni Lisa.
"Ginagawa ko naman nga lahat diba?" inis na sabi ni Jungkook.

BINABASA MO ANG
EUPHORIA: You Are The Cause
Fanfictioneu·pho·ri·a /yo͞oˈfôrēə/ a feeling or state of intense excitement and happiness.