Knowing You

477 21 4
                                    

BigPop Entertainment Studio 3

Nanonood lang si Yessa sa rehearsal nila Jimin. Napapansin din niya na panay ang tingin sakanya ni Jungkook. Hindi niya maiwasan na mailang tuwing nagtatama ang kanilang tingin. Paminsan minsan ay ngumingiti si Jungkook sakaniya at binabalikan na lang din ni Yessa iyon ng matipid na ngiti.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto habang nasa kalagitnaan ng pagsasayaw sila Jungkook.

"Hi ev-ryo-ne.." bati ni Lisa pagpasok sa studio. Medyo natigilan siya dahil nakita niya si Yessa.

Napahinto sila Jungkook sa pagsasayaw.

"Hey what are you doing here?" tanong ni Jungkook kay Lisa habang papalapit si Lisa sakanya.

"Just checking you." sagot nito sabay beso kay Jungkook. Napalingon siya kay Jimin.

"Hi." bati ni Jimin.

"Hello." bati din ni Lisa.

Umupo muna sila Jimin kasama ang ibang dancers.

Bumalik ang tingin ni Lisa kay Jungkook.

"What is she doing here? If im not mistaken she's the girl from the audition." tanong ni Lisa kay Jungkook sabay pamewang.

"Sister siya ni Jimin Hyung."

"Yeah, she's my sister." sabat ni Jimin.

Hindi kumikibo si Yessa dahil alam niyang ma attitude ito.

"Oh, I see. Are you free later?" sabi ni Lisa kay Jungkook.

"No. Im meeting with my parents." pagsisinungaling ni Jungkook dahil may lakad sila nila Jimin.

"Ayain sana kita mag dinner."

"Maybe next time."

"Okay. Sige, ill go ahead na." paalam ni Lisa.

Tumalikod na si Lisa kay Jungkook at gumawi ito kay Yessa.

"Hey dear, have you heard na ba? I got the role!" sabi ni Lisa sabay ngisi kay Yessa.

"Congratulations.." binati na lamang ni Yessa ito at ngumiti.

Umirap lang si Lisa at lumabas na din ito.Lumapit agad si Jimin kay Yessa.

"Anong sinabi niya sayo?" tanong ni Jimin.

"Wa-.." sasagot na sana si Yessa nang lumapit si Jungkook.

"I heard what she said. Ako na humihingi ng sorry." sabi ni Jungkook.

Napabuntong hininga lang si Jimin at bumalik sa kinakaupuan para makapag usap ang dalawa.

"Okay lang. Wala naman syang sinabing di maganda." sagot ni Yessa kay Jungkook.

"Sorry talaga."

"Okay nga lang, small thing."

Pagkatapos nilang mag usap ay bumalik na sa rehearsal sila Jungkook. Dirediretso ang practice nila kaya mas maaga silang natapos. Nag aya agad si Jungkook na lumabas.

Naglalakad sila papuntang parking lot ng kausapin ni Jungkook si Jimin. Nasa likod ng dalawa si Yessa habang busy sa kausap sa phone.

"Kasama ba sister mo?" mahinang tanong ni Jungkook.

"Yes, okay lang ba?" sabi ni Jimin sabay tingin kay Jungkook.

"Oo naman." sagot ni Jungkook sabay ngiti.

Napansin agad ni Jimin ang pag ngiti ni Jungkook.

"Mukhang may naaamoy ako dito kay Jungkook.." sabi ni Jimin sa kanyang isip.

EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon