For You

269 13 16
                                    

Taping..

"Okay cut!" sigaw ng director.

Napaupo si Yeona dahil sa pagod.

"Lunch muna tayo sabi ni Direk!" sigaw ng isang staff.

Nagpuntahan sa kani kaniyang sina Yessa at Taehyung. Pagdating ni Yessa sa kanyang tent ay nagulat siya sa dami ng pagkain.

"Oppa, saan galing yan?" takang tanong ni Yessa kay J-hope.

"Yung iba sa mga fans mo, o diba may fans ka na?" nakangiting sabu ni J-hope.

"Eh yon? Yung mga may katabing bulaklak?" tanong ni Yessa sabay turo sa mga pagkain na nasa gilid.

Lumapit naman si J-hope at bumulong kay Yessa.

"Kay Jungkook."

Nangiti si Yessa at nilapitan ang mga ipinadala sakanya.

"Pinadeliver niya lang mga yan." dagdag pa ni J-hope.

Tatawagan na sana niya si Jungkook pero biglang nag ring ang kanyang cellphone. Naunahan siya ni Jungkook na makatawag.

"Hello, nakita mo na pinadala ko sayo?" tanong ni Jungkook sa kabilang linya.

"Hi. Oo, napaka dami nga eh. Ano akala mo? Nasa picnic ako?"

"Hehe syempre alam ko mapapagod ka kaya kailangan mo kumain  ng madami."

"Papatabain mo ba ko?" tanong ni Yessa.

"Hehe hindi."

"Kamusta pala pakiramdam mo? Okay ka na ba?" tanong ni Yessa.

"Yeah, okay na ko. Magaling yung nurse ko eh." biro ni Jungkook.

"Asus, nambola ka pa!"

"Hindi po, nandito ko sa studio ngayon. May recording ako maya maya, hanggang anong oras taping mo?" tanong ni Jungkook.

"I think hanggang 10pm pa."

"Gusto mo sunduin kita?"

"Wag na. Masyado ng gabi yun, susunduin naman daw ako ni Kuya Mochi."

"Ahh ganun ba, eh bukas may taping ka ulit?"

"Oo. Sunud sunod na taping namin kasi may hinahabol na date sila Direk. Pero hanggang 3pm lang ako bukas, mas madami kasing scene yung iba na itetake bukas." paliwanag ni Yessa.

"Ayun, pwede tayo magkita?"

"Sige."

"Yessss! Sige na, kain ka na muna. Mag start na din kami. Keep safe okay? Bbye."

"Bye."

Nakangiting ibinaba ni Yessa ang kanyang cellphone sa mesa. Kumuha siya ng pagkain at pumwesto malaoit kay J-hope.

"Hindi maalis ngiti mo ha?" tanong ni J-hope.

"Bakit ba?" naka ngiting sabi ni Yessa.

"Bakit ba? Hindi mo pa nga kinukwento sakin yan." sabi ni j-hope habang naka kunot ang noo.

Ikinuwento ni Yessa kay J-hope ang tungkol sa kanila ni Jungkook.

"Baka mamaya makaapekto pa sa mga career nyo yan ha. Parehas kayong nagsisimula pa lang, lalo ka na." sabi ni J-hope habang nakatingi  sa kumakain na si Yessa.

"Hindj ko pa naman sya sinasagot, tsaka nag iingat naman kami."

Nagulat si Yessa at J-hope nang pumasok si Lisa sa kanilang tent.

"Ahh talaga? So you think magiging kayo?" Taas kilay na sabi ni Lisa.

"Kung sasagutin ko sya, siguro nga." nakangiting sabi ni Yessa pagkatapos niyang tumayo sa harap ni Lisa.

EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon