Chapter 13

305 12 7
                                    

Chapter 13

Things are not the same when Luhan somehow remembered his past. Lalo na yung girl na tinutukoy niya. 2 weeks na ang nakakalipas since nung gabing nagkausap kami sa kotse at binanggit na yung babaeng tumatawag daw sakanya ng, Xiao Lu.

Sa 2 weeks na nakalipas, hatid-sundo niya ko, kami na parang hindi kami. Nagkakasabay kaming mag-lunch, pero hindi kami masyado nag-uusap.

Hindi ko tuloy alam kung magseselos ba ako sa babaeng tinutukoy niya. Wala pa rin siyang idea na nagka-amnesia siya dati. At isa pa, sabi ni Chanyeol, ako daw ang babaeng nagustuhan ni Luhan dati, kaya sila nag away at naaksidente si Luhan. Pero kung ako nga yun, edi sana ako ang naalala niya.

Pero kahit ako, clueless eh. Kasi kung ako yung babaeng tumawag sakanya ng xiao lu dati, maalala ko naman. Eh, nakilala ko lang naman si Luhan noong highschool kami and I barely know him that time.

I am starting to think that I am getting jealous. Siguro unti-unti na kong napapamahal kay Luhan kaya ako nakakaramdam ng selos. Ganito din kaya ang nararamdaman ni Luhan sakin?

February 9 na ngayon, Monday.

Kahapon, 1 month na kami. (Taray diba? Monthsarry.) Naghihintay ako ng kahit isang tawag o isang text man lang galing kay Luhan, pero, wala.

Hindi ako nageexpect ng surprise, ang gusto ko lang kausapin niya ko at gusto ko siyang tanungin kung anong problema. Pero pag tinatanong ko naman siya, ang sasabihin niya lang, 'Huh? Wala naman problema.' Tapos ngingiti siya.

Pero alam ko, deep inside, nabobother siya.

1pm pa ang pasok ko ngayon, pero nakaligo na ko, humiga lang ako ulit. Nakakatamad lang talaga.

***Mr. Mr. Ringtone playing.

**Calling Ju Men.

Si Suho.

"Hello?" Bungad ko.

"Soo? Gising ka na ba? Nandito ako sa baba niyo." Sabi niya.

"Ha? Talaga? Oo, kanina pa ko gising. Kakatapos ko lang maligo. Bakit ka nandyan? Wait, bababa na ko." Sabi ko at nag-tsinelas na ko at lumabas ako ng kwarto at binaba ko na yung phone.

**Call Ended.

"Suho."

"Soo."

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya at tumabi ako sakanya sa pag-upo sa sofa.

"May problema tayo." Sabi niya sakin.

"Ano yun?" Tanong ko agad.

"Alam na niya."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Suho. Oh my gosh. Hindi pwede. Bakit nalaman niya na. Ang tanga-tanga ko kasi! Sana hindi ko na nabanggit yung, Xiao Lu.

"P-pano niya nalaman?" I am stuttering.

"Hindi ko rin alam, pero siguro nung naalala niya yung, Xiao Lu, dun na siya nagsimula maging curious at naghanap siya hanggang sa malaman niya. Kinompronta niya kami kahapon." Sabi ni Suho.

Kahapon?

"Kaya pala." Sabi ko.

"Kaya pala ano?" Tanong ni Suho.

"Ah wala." Sabi ko at napapikit nalang ako ng mata.

Kaya pala hindi niya ko tinawagan o tinext man lang kahapon, kasi kahapon niya nalaman.

"Soo, galit na galit siya kay Chanyeol, Nam Ji at-"

"Sa akin." Ako na nagtapos ng sasabihin ni Suho. Alam ko na naman na magagalit siya sakin. Kasi hindi ko man lang siya pinansin dati and I chose Chanyeol over him. Pero ano naman ang magagawa ko diba? HINDI KO NAMAN ALAM NA MAY GUSTO DIN PALA SIYA SAKIN.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon