Chapter 28
Soundtrip ang ginawa namin habang pauwi na kami sa bahay. Pinatugtog nila yung bagong kanta ng EXO, 'Call Me Baby'. Tapos sinasabayan nila yung kanta at sumasayaw sila pero hand gestures lang.
"We won't be around for the next few weeks, Soo." Sabi ni Baekhyun.
"Why?" Tanong ko.
"Uhm- kasi ano, busy kami sa ano-" Pautal-utal si Baekhyun na parang ayaw niya sabihin talaga pero kailangan niyang sabihin.
"Ano?" Tanong ko ulit.
"Ah kasi po, busy kami sa pagpractice we will be debuting soon." Sabi ni Kai tapos sinuntok niya si Baekhyun sa braso.
"Ah okay." Sabi ko.
*phone ringtone.
Hindi sakin yun. Kanino yun? May kinuha si Chanyeol sa bulsa niya pero nakatingin padin siya sa road. Kaya kinuha ko yung phone niya at ako na yung sasagot.
"Ako na." Sabi ko kay Chanyeol.
"Salamat." Sabi ni Chanyeol.
'Hello?'
'Sir! Si ano po-'
'Ate, ako po si Sooyoung, nagda-drive po si Chanyeol. May problema po ba?'
'Ay ate! Opo. Si Man Se po, hindi makahinga ng maayos. Nasaan na po-'
'Malapit na kami, ate! Chill. Bye!' Binaba ko na agad yung phone at nagpa-panic na ako.
"What?" Tanong ni Chanyeol.
Nanginginig ako at hindi ko alam ang gagawin ko, "Man Se-", hindi pa ko tapos magsalita pinaharurot na ni Chanyeol yung kotse niya.
Napahiga sila Baekhyun dahil sa sobrang bilis. "Chanyeol, wag ka masyadong mabilis. Baka mamaya tayo naman mapahamak dito!" Sinigaw ni Baekhyun dahil sobrang natakot siya. Ako naman napakapit nalang sa seatbelt ko.
In a few minutes nasa tapat na kami ng bahay. Bumaba na kami agad lahat sa kotse at tumakbo papunta sa loob ng bahay. Si Chanyeol tumakbo agad sa kwarto ni Man Se at chineck niya kung anong nangyayari, tumakbo din kami para sundan si Chanyeol.
"Hyung-" Sabi ni Man Se.
"Ssshhhh. Let's go to the hospital, okay?" Sabi ni Chanyeol at binuhat niya agad si Man Se.
Ako? Nakatayo lang dito.
Tama ba yung narinig ko? Bakit 'hyung' yung tawag ni Man Se kay Chanyeol? Bakit hyung?!
"Sooyoung! Let's go." Nagulat ako kasi bigla akong hinatak ni Baekhyun.
Bumaba na agad kami at sumakay na ulit sa kotse. Nag-drive ng mabilis si Chanyeol at sila Baekhyun yung nagpapakalma kay Man Se.
After a few minutes, nandito na kami sa hospital. Itinakbo agad namin sa emergency room si Man Se pero hinarangan kami ng nurse. May sinabi yung nurse kay Chanyeol pero hindi ko na narinig dahil pre-occupied yung isipan ko ngayon. Umupo kami sa upuan sa labas ng emergency room at doon kami maghihintay ng resulta kung anong mangyayari.
Lumabas yung nurse at tinawag si Chanyeol at kinausap niya. After few minutes humarap na samin si Chanyeol at pumasok na ulit yung nurse sa operating room.
"Ano sabi?" Tanong ni Baek.
"Ooperahan na siya." Sabi ni Chanyeol. Napa-upo si Chanyeol at paiyak na siya. Alam ko yung nararamdaman niya ngayon kasi ganyan din si Mama sakin noon nung ako yung nasa sitwasyon ni Man Se.
Hindi ko alam kung maco-comfort ko si Chanyeol kaya lumabas muna ako at pumunta ako sa balcony ng hospital. Tinignan ko yung phone ko at nakita ko, 10:32 pm na. Ang bilis ng oras sobra, hindi ko namalayan na halos buong araw kaming nagtraining tapos ganito pa yung madadatnan namin pag-uwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/29629974-288-k377387.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Love Story. [EXO FANFIC]
FanfictionChoi Sooyoung, an ordinary girl who have found her first love which she thought that he was his true love, but she was wrong. So she decided to move on and found a better guy. Will she prove that this guy is the one for her and their story will not...