Chapter 2
"Please, help me." Napatigil ako sa sinabi niya. Nababaliw na yata to eh? Bakit ko siya tutulungan, eh, hindi ko nga siya kaibigan eh. Actually, he is a total stranger. Oo, naging blockmate ko siya pero hindi naman kami close. After ko din mapahiya sa pagsigaw ko sakanya, siya pa tutulungan ko? Ako nga dapat ako tulungan niya. Aish! Sobrang nakakainis.
"You're asking for help?" Sabi ko sakanya at hinarap ko silang dalawa ni Jessica. Nakatayo lang sila. Parang frozen at the moment. Tsh!
"Yes." Sabi niya sakin at wala na siyang sinabi pang iba. Tinignan niya lang ako straight into my eyes pagkatapos niyang sabihin yun. Naglalakad siya papalapit sakin pero tinititigan ko lang siya. Pero nung malapit na siya sakin, lumayo ako ng konti at tumigil na siya.
Bakit ganito pakiramdam ko ngayon? Parang gusto nalang siya tulungan na ewan, pero may parte sakin na sinasabing wag siyang tulungan. Aish! Ano baaaaaa.
"What kind of help?" O sige, I might consider his favor. Pero dapat yung madali lang. Psh.
"Kasi-"
"Shhh. Wait lang, bago ka humingi ng tulong." Sabi ko sakanya at pinahinto ko muna siya magsalita. Nilapitan ko si Jessica at bigla siyang nag-innocent look. Tinarayan ko siya. (Baliktad kami ngayon, ako yung nagtataray sakanya. Hehe.)
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Jessica sakin at umiiwas siya ng tingin sakin.
After a few seconds...
"Fine. I'll tell you everything. Kaso, pwede bang umupo muna tayo?" Sabi niya sakin. Hay salamat umamim din! O diba? Di na kailangan ng tanong, tingin nalang! Kasi alam niyang may ginawa siyang mali.
Naglakad kami ngayon papunta sa Chatime malapit sa school namin. Treat ni Luhan eh. Tska siya naman humihingi ng tulong eh, kaya dapat niya lang ako ilibre! Haha.
"Wait lang, order lang ako." Sabi ni Luhan samin at naghanap na kami ni Jessica ng mauupuan.
Hindi pa kami nag-uusap ni Jessica, baka masapak ko lang siya eh. Haha! Kaya hinintay na namin si Luhan, hindi rin kami nagtitinginan ni Jessica. Nakatingin ako sa labas ngayon, siya? Ewan ko? Di ko nga tinitignan diba? Psh.
Anong oras na ba? Tinignan ko yung relo ko at, 4 pm na pala. Anong oras ba yung party?
Tinignan ko si Jessica at nakatingin lang siya sa baba. "*coughs* Ah- ah- ahem." Sabi ko at tumingin siya sakin at nakataray.
Aish. Kakaiba din talaga 'tong babaeng to. "Anong oras ba yung party?" Tanong ko.
"Akala ko ba hindi ka pupunta?" Sabi niya.
"뭐? Aish." (뭐 - read as mwo, meaning: 'what?' in korean.) Sabi ko at tinarayan ko nalang siya. Di ko na muna pinansin, masama bang magtago? Napahiya pa ko. Tumayo muna ako at pinuntahan ko si Luhan, baka iba order-in nun eh.
Kakaiba kaming mag best friend no? Patarayan kami. Kaya kapag kami magkaaway, hindi kami nag-uusap talaga. Yung parents pa namin gumagawa ng paraan para magkabati kami. Pero pag iniisip ko lahat ng pagaaway namin, na-realize ko na, hindi ko rin siya kayang tiisin. Para ko na rin siyang kapatid eh.
"Yah." Sabi ko.
"Oh? Bakit mo iniwan si Jessica dun?" Tanong sakin ni Luhan habang nakapila siya para um-order.
"Ayaw mo bang iwan? O sige, ako oorder, samahan mo siya dun." Sabi ko sakanya at pumila ako sa harap niya, since siya na rin naman na ang next, ako nalang oorder.
"Oh, teka lang. Wag na, ako na. Ang init naman ng ulo mo." Sabi niya sakin na medyo natatawa pa. Aish! Kakaiba talaga tong araw na to. Ang sakit sa ulo, Lord. Pwede po bang matapos na 'tong araw na ito? Pagod na ko.
BINABASA MO ANG
Just Another Love Story. [EXO FANFIC]
Fiksi PenggemarChoi Sooyoung, an ordinary girl who have found her first love which she thought that he was his true love, but she was wrong. So she decided to move on and found a better guy. Will she prove that this guy is the one for her and their story will not...