Chapter 11

279 13 5
                                    

Chapter 11

Hayyyy! Balik na naman sa school. Isang linggong paguran na naman ng magiging team ko para magprepare sa exam namin. Igu-group kami ngayon by 4, para sa exam namin na hindi written. Practical, parang ganun.

"Huy."

"Ay baboy!" Nagulat ako at nahulog yung dala kong libro at notebook. Sino ba yung pesteng nang-gulat sakin?

Pupulutin ko na sana yung nagulog kong gamit, pero may nakapulot na.

"Sehun?" Sabi ko.

"Bagal mo kasing maglakad, para kang may malalim na iniisip." Sabi niya sakin at inabot niya na sakin ulit yung notebook at libro ko.

"Paki mo ba." Sabi ko at tinarayan ko siya ng pabiro, tapos tumawa lang din ako pati siya.

"Sira ulo. Hahaha." Sabi niya tapos sinabayan niya na ko maglakad papunta sa room. 2nd subject na namin, kakatapos lang mag break.

"Kumain ka na?" Tanong ko sakanya.

"Yap. Ikaw?" Tanong niya sakin.

"Oo." Sabi ko.

"Nakita mo na kung sino mga groupmates mo para sa exam?" Tanong niya sakin.

"Hindi pa eh. Ikaw?" Tanong ko.

"Hindi padin. Tara! Tignan na natin yung pinost ni mam sa bulletin board." Sabi niya tapos nagmadali na kaming maglakad para makita na kung sino mga groupmates namin.

Nandito na kami sa loob ng classroom, nilapag namin yung gamit namin tapos tumakbo na agad papunta sa harap ng bulletin board.

Hinanap ko na agad pangalan ko,

Group 8.

Choi Soo Young.
Oh Se Hun.

Teka?! Akala ko ba 4 per group?

"Bakit-"

"Bakit dalawa lang tayo?" Biglang sabi ni Sehun.

"Unfair, bakit dalawa lang tayo? Yung iba apat?" Tanong ko kay Sehun.

"Aish." Sabi ni Sehun.

"Bakit?" Tanong ko.

"30 tayo sa classroom. Divided by 4, 28, may sobra dalawa." Pageexplain niya sakin. Pero sa dinami-dami bakit si Sehun pa naka-partner ko?

"Dahil mataas ang grade niyong dalawa at running for cummlaude kayo." Biglang sabi ni Ms. Perez samin at nandun na siya sa harap, nilalagay niya yung gamit niya sa table niya.

"Po?" Sabay naming sabi ni Sehun.

"Nasan na ang mga kaklase niyo bakit kayo palang?" Tanong niya samin. Tumingin naman agad ako sa relo ko, 20 minutes pa kasi bago mag time. Eh ugali ng mga kaklase ko, saktong-sakto sila dadating ng klase, para late mag start yung lesson. Sama namin diba? Nauna lang kami ni Sehun dahil nga titignan namin yung groupings.

"Maaga po kayo masyado." Sabi ni Sehun.

"Ah. Onga, 20 minutes pa." Sabi ni Ms. Tapos tumingin siya sa relo niya at umupo siya.

"Ms. Bakit naman po ganito?" Tanong ko tapos lumapit kami ni Sehun sakanya.

"Sinabi ko na diba? Matataas ang grades niyo kaya patunayan niyo ang sarili niyo." Sabi ni Ms. Perez saming dalawa ni Sehun.

"Pero pwede naman po kaming isingit sa ibang grupo, para dalawang grupo, 5 members." Sabi ni Sehun kay Ms. Perez.

"Bakit ba ayaw niyo? Magkagalit ba kayo?" Tanong ni Ms. Perez.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon