Chapter 5
"I came here to remind you guys for tomorrow's departure. Excited na ba kayo?" Tanong ng homeroom adviser namin. Si Ms. Perez. Hindi naman totally na siya adviser namin, kasi sa college, kung sino prof niyo sa major, parang siya na yung adviser niyo.
Halos lahat ng blockmates ko nag-wooh! Yehey! At kung ano-ano pang tili ang ginawa.
Ako naman, tahimik lang.
Meron akong close dito sa room pero not as close as Jessica. Si Jessica kasi, hindi siya Tourism. Same school kami, pero different courses. BS Biology kasi siya, pero graduating na din. Puro sila dissect, dissect, dissect, dissect, injection, injection, injection at kung ano-ano pa. Gusto kasi mag Doctor ni Jessica, so kinuha niyang pre-med, BS Biology. Brainy din yung bruha na yun eh.
"As you all know, may kasama tayong 3 blocks din (ibig sabihin 3 sections, block ang tawag pag college). So ang total population natin na pupunta is 75." Sabi ni Ms. Perez samin.
"Ganun nalang ka-onti Tourism students?" Tanong nung isa kong blockmate.
"Yes, graduating kayo eh. Nababawasan ang blocks niyo diba? Kasi may ibang nagshishift sa ibang courses?" Sabi ni Ms. Perez sakanya.
"Ahhh okay po." Sagot nung blockmate ko na nagtanong.
"Ibibigay ko pala yung listahan ng kasama niyong steward at stewardess sa airplane. Hindi kayo magkaka-block kasi para maging close niyo naman yung ibang block din." Sabi ni Ms. Perez.
"Wow exciting!" Sigaw ng isang kong blockmate. Tapos may ipinapasa ng papel sa amin.
Hindi ko na muna tinignan, sa bahay ko na iche-check kaya nilagay ko nalang sa bag ko yung papel.
Speaking about different block. Naalala ko na naman si Luhan. Monday ngayon at kahapon pati nung Saturday kasama ko siya. Tapos, bukas hanggang Sunday, kasama ko na naman siya! Nakakasuya naman to. Hay.
"Soo, kasama mo si Jessica?" Tanong ni Nathania, siya yung tinutukoy ko na close ko dito sa classroom.
"Ah, hindi eh. Strictly for Tourism students kasi diba? Kaya hindi siya pwede sumama. Tska kung gusto niya, 6 days yun. Marami siyang mami-miss na class." Paliwanag ko kay Nathania at tumango lang siya.
"Sabagay, may sarili din pala silang OJT. Kasi alam ko this week, OJT week talaga ng mga graduating eh." Sabi ni Nathania sakin.
"Oh yun, kaya hindi talaga siya makakasama." Sabi ko sakanya.
"Samin ka nalang sumama, para di ka naman malungkot." Offer sakin ni Nathania.
"So Class, paalala ko lang 8am ang flight natin bukas. 6am dapat nasa airport na, okay? Class dissmiss." Sabi ni Ms. Perez at lumabas na siya, so kami naman nagligpitan na ng gamit.
Tumayo na ko at lalabas na ng pinto, "Sooyoung, so ano? Sa amin ka sasama sa room?" Tanong ni Nathania, habang nasa tapat kami ngayon ng classroom namin.
"Ilan ba per room?" Tanong ko sakanya.
"2-4 persons per room. 4 na max. Pero sabi kasi ni Ms. Perez, ineexpect nilang 3 na yung maximum na number per room kasi marami naman daw na rooms nakalaan satin kasi sponsored tayo, tsaka para mas comfortable daw." Sabi ni Nathania sakin.
"Eh ilan na ba kayo?" Tanong ko sakanya.
"3 kami." Sabi niya at nag-smile siya.
"Ah sige, sainyo na ko sasama." Sabi ko sakanya at nag-smile na ko.
"Bakit? Ayaw mo ba ko kasama?" Biglang may umakbay sakin at nagsalita. Nagulat lang ako kasi ang lalim ng boses. Kaya napatingin ako.
"Luhan?" Si Nathania na nagtanong. Hindi ako. Natulala lang ako eh. Ano na namang ginagawa neto dito?
BINABASA MO ANG
Just Another Love Story. [EXO FANFIC]
FanfictionChoi Sooyoung, an ordinary girl who have found her first love which she thought that he was his true love, but she was wrong. So she decided to move on and found a better guy. Will she prove that this guy is the one for her and their story will not...
![Just Another Love Story. [EXO FANFIC]](https://img.wattpad.com/cover/29629974-64-k377387.jpg)