Chapter 29

152 13 0
                                    

Chapter 29

Nakauwi na kami ngayon sa bahay at dumerecho silang lahat sa kwarto nila, pero ako sa kusina dumerecho. Nagugutom ako eh! Hahaha.

Naghanap ako ng makakain at ang swerte ko kasi may hinanda sila manang! Kumain muna ako ng mabilisan at uminom ako ng tubig pagkatapos.

"Ma'am ako na po ang mag-aayos diyan. Magpahinga na po kayo." Sabi ni manang.

"Okay po. Salamat po." Sabi ko kay manang at umakyat na agad ako.

Pag-akyat ko sa kwarto, naligo na agad ako at nag-ayos. After ko maligo, nawala yung antok ko. Kaya umupo muna ako at nagisip-isip.

2 days palang kami dito, almost three. Pero hindi ko pa masyado nalilibot yung bahay. Kaya nag-decide ako na lumabas muna ng kwarto ko at maglibot, o kaya titignan ko ang bawat room. Pero saan kaya unahin ko?

Ah! Alam ko na kung saan ako pupunta!

"Maka-kanta nga." Sabi ko sa sarili ko. Medyo madilim na kasi halos lahat ng ilaw nakapatay na, pero may mga dim lights kasi. Hi-tech kasi tong bahay na to, hindi ko alam kung saan to nahanap ni Chanyeol.

Binuksan ko yung music room. May isang malaking piano doon, may drums din, dalawang gitara- isang acoustic at electric guitar, at isang basa guitar. Meron ding mga gamit para makapag record ng kanta.

Kinuha ko yung acoustic guitar at umupo ako sa isang sofa malapit sa piano. Tinugtog ko yung kanta ng EXO na 'Love, Love, Love', gustong-gusto ko talaga yung melody nun eh. Mabagal siya na pwedeng sayawin, pakiggan niyo yung sa concert version nila mas sexy pakiggan, hihihihi, i'm so perv.

Sinimulan ko kantahin yung kanta sa chorus part:
'잘 실감이 안나 왜 꿈이 아닌 건지
(Jal silgami anna wae ggumi anin geonji)

나도 믿기지 않아 너 사람인 게 맞니
(Nado midgiji anha neo saramin ge matni)

넌 모르겠지 아마 모를 거야
(Neon moreugetji ama moreul geoya)

너를 향한 내 맘
(Neoreul hyanghan nae mam)
Love Love Love

'Cause you're my

earth air water fire

You're my earth air--

Bumukas yung pinto kaya napahinto ako sa pagkanta. Tumingin ako kung sino yung nagbukas at nakita ko si Chanyeol.

"Did I disturb you?" Sabi niya at parang nahihiya yung expression niya.

"아니." Sabi ko. (아니 - ani, no.)

"Kukunin ko sana yung gitara kaso gamit mo pala." Sabi niya tapos sinirado niya yung pinto at pumunta siya malapit sa aircon para buksan yun, para di masyado mainit dito sa loob.

"It's okay. You can take this." Sabi ko sakanya tapos bibitawan ko na sana kaso pinigilan niya ko tapos umupo siya sa tabi ko.

"Gamitin mo lang, makikinig ako ulit." Sabi niya tapos medyo lumayo siya sakin at umupo siya sa sulok ng sofa.

"You were listening?" Tanong ko.

"I didn't mean to, sabi ko nga kukunin ko lang sana yung gitara kaso narinig kita kumakanta." Sabi niya sakin tapos sumandal siya.

"Ahhh." Sabi ko.

"Love, love, love." Sabi niya.

"Huh?" Sabi ko.

"Yung kinakanta mo." Sabi niya tapos tumingin siya sakin.

"Ah, oo." Sabi ko. Malamang alam niya yun kasi EXO kumanta at nagtatrabaho siya sa SM Ent, malamang alam niya talaga yun.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon