Chapter 21

150 10 3
                                    

Chapter 21

Nagising ako at sakto kakatigil lang ng kotse ni Luhan. Hinawakan niya balikat ko tapos tumingin ako sakanya.

"Dito na tayo, na-traffic lang tayo ng 30 minutes." Sabi niya sakin.

"Okay lang. Baba na ko. Malakas na yung ulan eh. Umuwi na kayo baka lalo pang lumakas yan." Sabi ko at kinuha ko na yung gamit ko.

"Wait mo ko, samahan kita." Sabi niya.

Pinigilan ko agad siya, "No need na po. Mababasa ka pa. Sige na. Bye na." Sabi ko at kiniss ko siya sa cheeks.

"Okay. I love you." Sabi niya sakin at nag-smile siya.

Hindi ako nakapag-response kasi masyado akong natutuwa ngayon. Hinawakan ko nalang yung pisngi niya at nag-smile din ako. Bumaba na ko sa kotse at tumakbo na ko papasok sa bahay.

Sumilip ako sa bintana at wala na yung kotse ni Luhan, "Anak! Nandyan ka na pala." Sabi bigla ni mama.

"Ano ba naman ma! Nakakagulat ka naman eh." Sabi ko at nilapag ko na yung bag ko sa sofa.

"Magpalit ka na, basang-basa ka na oh!" Sabi ni mama sakin.

"Opo. Ito na po aakyat na." Sabi ko at kinuha ko na ulit yung gamit ko sa sofa tapos umakyat na ko sa kwarto ko.

Binuksan ko yung pinto at dumerecho ako sa balcony. Binuksan ko yung kortina at pati na yung ilaw.

Tinignan ko muna yung paligid, sobrang lakas pala ng ulan. Sana maka-uwi mg safe sila Luhan. Tulog na tulog pa naman si Xi-

Teka?! Tama ba 'tong nakikita ko?

Sehun?

Wait is this for real?

May mini-park kasi sa tapat ng bahay namin, basta parang bakanteng lote siya na may mga upuan at maganda din naman. Kaya siya parang mini-park.

Pero si Sehun? Bakit siya nandun?

Sinuntok niya yung isang puno at parang galit na galit siya. Basang-basa na siya ng ulan. Bakit ba nagwawala tong si Sehun?

Bumaba agad ako para lumabas. Pupuntahan ko si Sehun, hindi dapat siya nagpapabasa sa ulan! Malapit na yung graduation namin at hindi siya pwede magkasakit.

"Oh san ka pupunta? Hindi ka pa naliligo. Magkakasakit ka!" Sabi ni mama sakin pagkakita niya sakin sa baba.

"Ah eh, maliligo ako sa ulan ma! Feeling ko nakakaexcite eh." Sabi ko kay mama at lumabas na agad ako para wala ng tanong-tanong pa si mama.

"Pero-"

"Bye!" Sabi ko tapos sinirado ko na yung pintuan.

Tinakbo ko agad yung lugar kung nasaan si Sehun. Nakita ko agad siya at naka-upo na siya ngayon. Umiiyak ba 'to? Syempre hindi ko makikita kasi naulan, mahirap malaman.

Nilapitan ko agad siya at umupo ako sa tabi niya, "you shouldn't be here." Sabi ko sakanya at napatingin siya sakin.

"Who are you to tell me that?" Sabi niya sakin at medyo lumayo sakin ng onti lang. Hindi na niya tinatakpan yung mukha niya.

"Your friend, I guess?" Sabi ko.

Tumayo siya at nagpa-mewang siya. Tinignan niya ko ng sobrang seryoso at napatayo nalang din ako.

"Friend ha?" Sabi niya sakin.

"Bakit? Ano ba ko, enemy?" Tanong ko sakanya.

"No!" Nagulat ako kasi sinigawan niya ko.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon